Paninigas ng tiyan

Hi mga Mommies! Kabuwanan ko na at pansin ko ngayong araw na panay tigas ng tyan ko. Every hour na sya at matagal bago mawala. May nararamdaman pa nmn akong galaw ni baby. Pero kahapon nagpacheck ako, close cervix pa nmn daw. Normal lang po ba to or sign of labor na?? Hingi narin ako tips para mag open na cervix ko. Hirap na kasi ako gumalaw pati pagtulog kaya gusto ko na manganak. Goodluck sa mga Team July

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

braxton hicks po yan tawag kapag naninigas ang tiyan (false labor) po. same tayo mii... exactly 37 weeks po ako today at nung pagpasok po ng 36 weeks ko is madalas siya manigas lalo pag karga ko yung toddler ko. or pagtapos ko maglakad ng mejo malayo layo... pero tolerable naman po yung pain... observe mo lang po mii... kapag ang interval ng sakit or paninigas is panay panay like every 5 mins. punta po kayo o.b. kc baka po contractions na 😊

Đọc thêm

palagi din naninigas ang tiyan araw araw yan 37 weeks and 6 days kahpon lang sumasakit likod pero nawawala nmn pero yung paninigas lang tiyan ang hindi pero hanggat wala pang spotting at panankit ng tiyan o balakang alam ko na hindi pa ito labor .pero bukas pa ang check up ko .