Birthclub: Hunyo 2023 icon

Birthclub: Hunyo 2023

37662 Người theo dõi

Hỏi & Đáp

3 months preggy nilalagnat

Hello po. Gusto ko lang po mag-tanong. 3 months preggy po ako, and this is my 2nd baby. Sobrang sakit po ng buong katawan ko at kumikirot po siya. Naiiyak po ako sa pagkirot ng mga kasu-kasuan ko pati na po ang balakang ko. At the same time may mild fever na rin po ako. Nag-umpisa lang po ito ng maramdaman ko na sumasakit ang lalamunan ko kahapon, at parang magkakasipon ako na ayaw lumabas. Hanggang nagising na lang ako kaninang umaga na ganito na po ang nararamdaman. Sa first baby ko, delikado po ako noon. Nagkasakit din po ako na parang tinatrangkaso, at ganito rin po na trimester. Trimester din po ako ng magka-spotting ako noon. Then umiinom po ako no’n ng pang-pakapit na nireseta sa akin ng Doktor. Nu’ng mag-5months na po ako na buntis noon, hinilot po ako ng manghihilot na midwife, dahil mababa raw po ang matress ko. Nu’ng 7 months na po ako noon, sinugod po ako sa Hospital, dahil bigla po humilab ang tiyan ko, sobrang hilab po na parang nadudumi. Then pagdating sa Hospital, nirestahan po ulit ako ng pangpakapit, kasi parang gusto na raw lumabas nu’ng Baby ko. ‘Till normal ko siyang nailabas at na sa tamang buwan.🙏🏼 Pero ngayon sa pinagbubuntis ko, same situation din. December 3, nang mag-3months ako sa dinadala ko ngayon. Kahapon nanggaling lang naman ako ng check-up, pag-uwi ko sumama na po ang pakiramdam ko. Sakit na ng lalamunan ko at sisipunin na ako ngunit ayaw lumabas kaya naging dahilan ng pagsakit ng ulo ko. Then pag-gising ko kanina, ayon na. Feeling ko tinatrangkaso ako dahil di po ako makabangon. Sobrang kirot ng katawan ko pati balakang ko, may sinat na rin po ako. Pero about sa spotting, thank god since nag-buntis ako sa pangalawa ko ngayon, until now wala naman kahit anong dugo. Ano po ba ibig sabihin nito at dapat gawin??🥺🥺 Salamat po sa mga sasagot.🙏🏼🙏🏼

Đọc thêm
 profile icon
Viết phản hồi
Xem thêm bài viết