
Hello after po kasing bakunahan baby ko na 2 1/2 months. Kinabukasan sinipon po sya penta po bakuna nya at polio. Hindi po nilagnat baby ko pero ayun nga po sinipon sya ano po kaya magandang gawin para matanggal ang bara nya sa ilong ? Bawal pa daw mag gamot si baby e, vitamins lang pinaiinom ko ngayon ceelin at nutrillin. #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom #advicebestremedies
Đọc thêm

Hello mommies, ask ko lang sino po ang nestogen 1 user dito? Ilang days po bago magpoop si baby after niyo painumin ng nestogen? Ako po kasi, ang unang gatas po niya is bonna, kaso hindi po siya nahiyang lagi pong matigas yung poop niya so inadvice ng pedia na magpalit kami ng gatas, kaya tinry namin yung nestogen since maraming nagaadvice sakin. Nung isang araw lang namin pinainom kay baby until now hindi pa siya nagpopoop pero umuutot po siya. Normal po ba ito? Nagwoworry po kasi ako, next month pa po kasi ang next check up ni baby at wala din akong contact sa nagchecheck up sa kanya. Thankyou po. #firsttimemom #newborn. #nestogen1
Đọc thêm
