halaga

Yung ramdam mo na halos wala kang halaga sa hubby mo? everytime nagaaway kau pinapalayas ka at hindi mo naman magawa yun kasi may baby kayo! kawawa kasi si baby maapektohan. Share lang po pero if may masipag na mag comment maraming salamat po!

21 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Huwag mong isipin maapektuhan baby nyo sis,Kung ikaw din nman magsakripisyo.Kung ako nasa sitwasyon mo mas piliin ko nlng maging isang single mom kysa makisama SA taong hndi marunong magpahalaga.Ganyan sitwasyon ko dati SA ex ko nagtiis ako Ng ilang taon dahil may 2 kmi anak pero nong dumating SA point na hndi ko na Kaya Yong tipong gusto Kong maramdaman ang isang masayang pamilya na puno ng pagmamahal.Kaya ginawa ko nagsakripisyo ako SA sarili ko at lumayo muna khit masakit na maiwan mga anak ko,nag abroad ako at nagsimula ulit at ngayon nakahanap ng panibagong pag ibig, kinuha ko Isa Kong anak SA ex ko at ngayon buntis ako sa first baby nmin ng hubby ko sobrang bait nya, totoo nga Sabi nila Love is sweeter in second time around..Keep on praying lng sis.

Đọc thêm

Hi momshie, siguro po dapat kayong mag-usap ng maayos ni hubby mo tapos dapat alam mo din yung worth mo, isipin mo na din kung in the future okay lang ba sayo na makikita ng baby niyo na habang lumalaki siya is magkasama nga kayo pero puro naman away, tingin ko hindi healthy na environment yun para sa kanya. Kaya kung ako sayo , magdecide ka na habang maaga pa, hindi lang para sayo kundi para sa baby niyo. Friendly reminder lang po . Hehe

Đọc thêm

Kung ganyan lng din namn po kunin nio anak nio then umuwi ka na lng po sa parents nio kaysa ganyan ang kapal ng mukha pagtapos ka anakan gaganyanin ka puro pasarap lng alam niyan... By the way baka din po kc mommy kaya sya ganyan sa inyo baka po kc d nya gusto yung nangyayari sa inyo ngayon or hindi nya gustong mabuntis ka nya kaya ganyan sya sayo...

Đọc thêm

Wow! Kung malakas ang loob nyang palayasin ka, it can only mean one thing. Meron syang ipapalit sa iyo. If I were in your shoes, hindi ko hahayaan na may gaganyan sa akin, kahit pa mahal na mahal ko yung tao. Mahalin mo muna ang sarili mo at ang anak mo. Tibayan mo lang ang loob mo kasi hindi magiging madali yan

Đọc thêm
Thành viên VIP

Better go mommy, kung ganyan ang hubby mo. Isipin mo may baby ka rn na sayo umaasa. You better leave ng baby mo para marealize rin ng hubby ano ang worth mo. Hindi porke nag aaway kayo papalayasin kana to the point na may baby na kayo. Remember mommy ang asawa napapalitan ang anak hindi.

Hay nako mommy baka naman kasi may ibang pinaglilibangan yang asawa mo kaya ganyan nalang ang turing sayo hindi nya ba naisip na may bata kang daladala at anak pa nya.pero kung sakin siguro gagawin yan mas gusto kong maging single mom kesa naman may kasama ka nya di naman pinapahalagahan

Ang hard naman ng asawa mo sayo,isipin pa na buntis ka. Kung ano man madalas na reason ngvpag aaway nyo, ikaw nalang umiwas para nd na humantong sa awayan then everyday mo sya ipag pray na magbago sya,itaon mo na tulog sya. Prayer can move mountains. Have faith

6y trước

Thank u po😍lagi ko po talaga pinagpepray na hindi na sya ganun.. Ok naman sya if di kami nag aaway ehhhh un nga lang pag nag aaway kami pinapalayas ako... Baka magbago din to, baka may prob lang.. Hindi ko din sya kaya iwan kasi mahal ko sya

pakatatag po kau..pra skn mas maigi umalis kpo pag pjnalayas k. punta k s pamilya mo. ask k muna help for d mean time. kaya mo po buhayin yan baby mo. wag ka po papaapak s mister mo pag gnyn. pakta mo sknya kc balang araw hahanpin dn kau nyan. para matauhan po..😣

Meron talagang mga lalaki na sadyang makakakapal ang muka .. grabe namn yang partner mo nagagawa pa sayo yan kahit buntis ka .. naku momsh mag isip ka na Ngayon nga na buntis ka kinakaya kaya kalang palayasin what more paglabas nyang baby mo baka saktan kapa nyan

Dalhin mo na yung baby mo at umalis ka na kung pinapalayas ka na pala mommy. Lalo ka lang mahihirapan pag nagtagal. Madaming single moms na mas happy at mas successful kase di nila kailangan ng incompetent partner na di sila kayang mahalin ng tama.