Isa akong scoliosis survivor. Na paralyze ako at hanggang ngayun di pa ako maka lakad ng maayos. Nagkaroon ako ng long time boyfriend (6years) at nag bunga ang pagmamahalan namin. akala ko noon na di ako pwedeng mag buntis hanggang sa nalaman namin na buntis na pala ako, at di namin alam kung ano ang mangyayari sa akin kung lalaki ang tyan ko. nung 2 to 4 months pa yung tiyan ko nagkaroon ako ng subchorrionic hemorrhage at nawala namn nung nag 5months na tiyan ko. kinaya ko lahat kahit hirap sa paglalakad, at masakit sa likod, wag lang mawala ang baby ko. whole spine ko ang may titanium rod na naka screw sa spine ko. At salamat sa dyos, nairaos ko ang pag bubuntis at pag aalaga ng anak ko na parang walang kapansanan. I have a very happy and healthy baby girl, at 4months old na sya ngayon. Kahit 8kg na sya, kinakaya ko parin kahit minsan masakit na sa katawan. walang impossible sa taong marunong mag dasal at sa inang nagmamahal ❤
Đọc thêm