Hormonal imbalance and Ovulation strip story 😊
Just want to share my pregnancy journey. Nag decide nakame ng hubby ko na mag second baby dahil 3 yrs and 3 months na panganay ko. Tapos turning 32 nako next year. Share ko muna last year before mag lockdown nagka anxiety ako for 1 month kaya nagka hormonal imbalance ako. Every 3 months ako nag kaka period dati on time yung period ko chaka nag gain ako ng weight. Nung april nag start ako mag LC diet. Hanggang sa naging regular na period ko. Tinapos ko muna yung vaccine ko para safe pag buntis nako. Nag start na kame nag plan nung Aug. gumamit ako ng ovulation strip pero hindi nag dark yung 2nd line kaya alam ko hindi ako mabubuntis. Pero nung sept lang biglang may lumalabas na egg white (TMI) nag test ako ng ovulation strip super dark nung 2nd line kaya nag doo kame ng hubby ko. 😅 At ayun na nga preggy nako today. 5 weeks and 3 days palang. Bukas pako pupunta sa OB ko. Hopefully maging healthy at ok lahat. 🙏🏻 Swerte ko lang kase 2nd try lang namin na jackpot na namin. Effective pala ang ovulation strip. Sa mga gustong mag conceive try niyo mga momsh ang ovulation strip lalo na sa may PCOS at hormonal imbalance. Wala naman mawawala. Ayun lang share ko lang 😊
Mom of two ❤️