Hi!
Just want to share my Birth Story. ?
Mula nung nag 37 weeks ako matyaga ako maglakad lakad, uminom ng pineapple Juice, at mag exercise dahil 1CM nako nun. Aim ko kasi talaga is Normal Delivery. From unang check-ups ko walang nakikitang reason OB ko para di ako mag-normal delivery until Dec 5 come.
Dec 4 ng gabi mejo di nako kumportable sa higa ko, yung pakiramdam ko para akong kinakabag na natatae. Binabale wala ko dahil diko nga madetermine kung labor na since first time mom ako. Pero dahil tolerable pa yung nararamdaman ko at nakakatulog pako hinayaan ko lang. Dec 5, my due date. Exactly 5:45AM pagkadilat ko bigla kong naramdaman na bilang may lumabas sa pwerta kong tubig, yung feeling na para kang nireregla na hindi mo mapigilan yung lumalabas sayo pero hindi dugo kundi tubig. Dali dali akong tumayo dahil nga baka mabasa ang kama at pagtayo ko mas lumakas yung tubig. Tinext ko agad OB ko na pumutok na panubigan ko and agad nga niya ko pinapunta na ng ospital. Pagdating ko ng ospital, 3CM palang daw but hindi nako pinaalis at agad ako pinasok sa labor room dahil pumutok na panubigan ko and anytime pwede ng lumabas si Baby. Kahit na naturukan na ko ng pang-induce, diko parin ramdam ang pain, from 6AM - 11AM, 4CM lang ako and walang pagbabago sa contractions na nararamdaman ko, sinabihan ako ng OB ko na dapat mailabas ko na si baby within 8hrs after pumutok ang panubigan dahil baka makadumi na si baby, 12PM unti-unti ng bumababa ng 90bps yung heartbeat ni baby habang nagcocontract at hindi maganda yun. Habang nasa labor room ako, kinakausap ko baby ko na wag siyang bibitaw, at dasal ako ng dasal kay lord na wag niya papabayaan ang anak ko. 2PM need ko na mailabas ang anak ko dahil 8hrs lang ang given time, 1PM hindi na tumataas heartbeat ni baby at 4-5CM lang ako, umiiyak nako nun and until kinausap na ako ng OB ko na need na mailabas ang bata thru CS, agad na ko pumayag dahil nag aalala narin ako sa baby ko. Maya maya pinapasok na nila sa labor room ang asawa ko para palakasin ang loob ko. 1:30PM pinasok nako sa delivery room and exactly 2PM nailabas na ang baby ko. The whole time na sini-cs ako gising ako at suka ako ng suka dahil sa anaesthesia, nilabanan ko yung tinurok sakin para di makatulog kahit hilong hilo ako dahil gusto kong masiguro na ok ang anak ko, ng marinig ko iyak ng anak ko, napa-thank you lord talaga ako.
Goodluck sa mga manganganak palang, always pray for safe delivery mapa-normal man o cs. Salute to all moms!