Should I be worried?
Hi! Just want to ask your opinion regarding sa situation namin lately. I am married to my husband for 5 years. We have a 11 months old baby girl and i'm currently 9 weeks pregnant with our baby boy. Team leader sa isang call center company husband ko, stay at home mom naman ako for almost 3 years na rin. Operations manager ako dati sa isang gaming company but my husband told me na to look after our child that time. Recently, may bagong lipat na office mate nya a few blocks away from our house. At first, wala lang sakin. Pero napapadalas na yung pagsasabay nila pagpasok at pag uwi. Husband told me na same shift lang sila kaya he's being polite na isabay on the way si girl. I asked my husband to stop na yung pagsabay sabay nila but he insisted na wala naman akong dapat ikapraning. Kung kayo nasa posisyon ko, what will you do? ?
Bilang ako ay naging isa ding BPO employee for 5years mamsh, sa Cebu nga lang. Alam ko ang mga galawan sa BPO momshie. Trust me. May naging bF ako before, same company kami pero magkaibang building, magkaibang schedule pero umuuwi sa isang apartment. Nagtaka ako bigla na lang nanlamig si bF sa akin, ayun na pala nahuli kong may iba ng kinababaliwan ka teammate nya. Kaya ako umuwi dito sa hometown ko at nag resign na lang. Ayoko sila makasalubong or what baka ano pa magawa ko. Wala talaga akong tiwala sa mga lalaki na nasa BPO, hindi ko naman nilalahat pero kasi kapag ang tukso ang lumapit sa kanila ay nakuu di na sila makapagpigil. Ewan ko ba. Siguro 5% lang ng mga lalaki nasa BPO ang loyal. Hehe. Kaya ang payo ko momsh, kausapin mo si hubby na uncomfortable ka na kasabay nya yung officemate nya. Baka may mangyari pa sa kanila. Wag naman sana hehe. Yun lang mommy. Ikaw lang din talaga nakakakilala sa husband mo so alam mo na. 😁
Đọc thêmAhahaha.. Dapat Alam din nung ka trabaho nya ung limitations.. bakit pa makikisabay ?? Yung katrabaho nakakatipid😂 ung asawa mo nag eenjoy may kasabay na iba😂 Kung ako sayu, d ako papayag.. sampolan mo lng, Makita ka nya may kasabay maglakad Jan SA inyu, kahit usap Lang.. sisitahin ka din nyan.. ngayun mo ipa ramdam SA knya Kung ano nararamdaman mo about SA pag sabay sabay nya SA katrabaho nya.. d Naman Kasi natututo yang mga ganyan hangat walang sample😏
Đọc thêmKausapin mo sya mommy na di ka komportable na magkasama sila. Ipiintindi mo sis na kung okay lang sa kanya na iwasan na nyang magsabay sila kasi di maganda sa pakiramdam. Isipin nya kamo yung nararamdaman mo kesa sa nararamdaman ng girl. Kung wala naman dapat ipangamba gawin nya yung bagay na di ka mag iisip ng iba. Sana gawin nalang nya yung favor mo para sa ikagiginhawa ng pakiramdam mo kung mahal ka talaga nya at ayaw ka nyang magworried. 😊
Đọc thêmSabihin mo hindi ka kumportable sa ganung eksena nila. Kahit pa sinabi nyang walang dapat ikapraning. Besides, your husband should consider your feelings. What would yout feel if like this, like that. Sensitive kasi tayong mga misis pagdating sa ganyan. Always let your husband know your feelings momsh. Pero mag-usap kayo ng mahinahon. I-timing mong okay ang mood nya para hindi maging mainit ang usapan. :)
Đọc thêmHindi kasi talaga maganda tignan na lalaki at babae lang na magkasama lalo na may asawa na yung lalaki. He should know better na he may be being polite to the other girl but being inconsiderate of his wife's feelings. Explain to him lang na it's not good na nakikita sila in public na ganoon kahit good intentions pa. Protect each other and protect your marriage :)
Đọc thêmSi officemate naman insensitive. Walang pamasahe? Hikahos sa buhay? 😂😂😂 kidding aside, nakausap mo na ba si hubby heart to heart talk? Telling him not your not comfortable him being the "good samaritan ". All of people kaw ang dapat inintindihan niya kasi you are pregnant. It will give you peace of mind pagbibigyan ka niya.
Đọc thêmFor me, sundin mo yung nararamdaman mo. You have the right to say what makes you uncomfortable. Maski ako rin sa pwesto mo patitigilin ko yang pagsabay sabay nila. Wala bang pampamasahe yung babae para need pang isabay sabay. Nagwowork naman eh. Saka asawa ka. Natural lang na magselos ka. And he needs to understand and respect you.
Đọc thêmAsk your husband,if he is in your shoes right now. Ikaw yong kasabay ng girl sa work everyday, kasi nga officemates. Anong mararamdaman niya?? And if he understands you the way you understands him, mas priority nya dapat yung nararamdaman mo kaysa sa palagi kang nangangamba which give you stress. Not good for baby boy.
Đọc thêmIf ndi ka comfortable ng ganun dapat respect ni hubby yun. Whether meron man o wlang issue, dapat respect nia feelings mo specially preggy ka. Kayo ang first s lahat ng bagay and decisions, ikabubuti ng pamilya. Kung nakakaintindi sila parehas dapat ok lng sa knila yun. kay ofismate at hubby. Goodluck and God bless sis.
Đọc thêmKung ako yan I will insist na stop na sis kase kahit sabihin ni hubby mo na wala ka dapat ikapraning, paano naman ung mga mata sa paligid? For sure iisipin nila may something si hubby mo at si ate gurl. Sabihin mo nalang kay hubby na hindi maganda tignan na lalo na may asawa siya at may sinasabay na ibang gurl.
Đọc thêm