RANT...

Wanna share my rant. I'm 35weeks today pero di ko maintindihan kung bakit ngayon pa ko inistress ng tatay ko. Pinipilit nya kasing magpakasal na kami ng LIP ko. Napag usapan naman na namin about sa kasal na yan sinabi na namin ni LIP sa parents nya at sa Tatay ko na saka na yang kasal na yan dahil gusto muna namin magfocus sa gastusin para kay Baby. Yung Parents ni LIP naintindihan naman pero itong tatay ko pilit pinupush yung kasal naintindihan ko naman sya ayaw nya lang siguro na dumating yung time na baka takbuhan ako ni LIP pero kasi may plano na kaming dalawa at gusto naming mag stick lang sa plano na yun. Gusto muna naming pag ipunan yung kasal na yun at ayokong magpakasal na malaki ang tyan ko dagdag pa tong pandemic na to. Akala pa naman namin naintindihan kami ng tatay ko pero ito sya pabalik balik sya dito sa bahay namin ni LIP para lang bungangaan ako about sa kasal na yan. Nag start sya mag bunganga nung sinabi namin ni LIP na doon muna kami sa parents nya titira para may mag asikaso sa amin ni baby pagpanganak ko. FTM ako natural na wala pa akong alam sa ilang bagay kaya pumayag ako na doon na muna. Ayoko naman sa side naman Tatay ko dahil ayoko sa bago nyang kinakasama ngayon. Wala akong tiwala pagdating sa pag aalaga ng bata. Sarili nga yang anak napapabayaan nya ano pa kaya pagnandoon kami saka di maganda ugali ng kinakasama nya may time na okay sya but most of the time puro sya sumbat ayoko magkaroon ng MALAKING utang na loob sa babaeng yun. Naaawa na nga si LIP sa akin dahil halos gabi gabi ako umiiyak dahil sa tatay ko. Naguguluhan na ako di ko na alam gagawin ko lalo na yun part na sinabi ng Tatay ko na hinding hindi daw sya magpapakita pagnanganak na ko. Naiinis ako na pati ang bata dinadamay nya pa.

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Kung gusto niyang makasal agad kayo edi siya gumastos. Nagmamadali kala mo naman may ambag sa gastusin.

Mas okay talaga na dipa kasal minsan lumalabas ang totoong ugali ng lalaki pag matagal n kayo

4y trước

So okay din po ba sa bata na magkaroon po ng ama na di kasal sa nanay niya po? Paano po kung both parties magisip magasawa ng iba? pano ang bata sinong tatawagin na mommy? or daddy? Ang mga nangyayari ito ay naayon po sa panahon pero hindi po ito ang panukala ng Panginoon. Bumalik po tayo sa dating palatuntunin ng Panginoon at wag po natin gawing basehan ang bagong palatuntunin na ginawa ng tao. 😊