uso ba?

Uso ba mga kabet ngayon? Sino dito yung pinagpalit sa ibang girl? Or had a situation na niloko kayo ng partner niyo? ? Nakakalungkot lang kasi hindi natin deserve ang maloko... 7am thoughts...

87 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I feel you.. Magkasama lang kami sa iisang bahay tapos wala akong kaalam alam na niloloko at ginagago na pala ako. Nung nalaman ko yun preggy ako sa 2nd baby namin, kahit na sabihing sa chat lang sila nagkakausap masakit pa rin kasi nabasa ko lahat.. Na kapag ang himbing ng tulog ko nawawala na lang bgla si hubby sa tabi ko yun pala nagchachat sila nung babae.. Kahit last november 2019 lang nangyare feeling ko parang kahapon lang lahat nangyare.. Ang sakit sakit may time na iiyak na lang ako bigla kasi naiisip ko yung ginawa nya.. Ngayon okay naman na kami wala na sila communication nung babae.. Currently 22 weeks preggy pero sa tingin ko simula mag buntis ako sa 2nd baby namin sobrang stress ko msyado kong dinamdam mga nangyayare samin..

Đọc thêm
5y trước

Yes sis at ang hirap ibalik ng tiwala.. Feeling mo ubos na ubos na. May times na nag ooverthink din ako kasi inisiip ko bakit ako pa nakakaranas ng ganito, ano bang ginawa kong mali kung nag kulang ba ko para maranasanan ko yung ganito. Pray ka lang sis ang magandang gawin kausapin mo yung kabit ng hubby mo ganun kasi ginawa ko ultimo mga kamag anak kinausap ko pra lang makipag usap sakin si girl

Not sure if I'll consider myself "other woman" nung buddies pa lang kami ng LIP ko, nag confess sya sa akin na gusto nya ako. May asawa't anak sya. Pero nung time na yun, parang magulo na talaga sila ng ex wife nya. As in nag ddrugs yung girl, nanlalake, nag nakaw etc. Umiwas ako sa kanya, gusto ko sya nun but never naman ako nag bigay ng motibo. Nung naghiwalay sila, dumalas na yung pag uusap namin hanggang sa naging kami. Masaya kami as in..kasama din namin kids nya. Pero di ko din maiwasan na mag isip na parang ang awkward ng sitwasyon ko na tuloy pa dn yung relationship namin kahit na kasal sya sa ex nya. Tapos eto magkaka baby pa kami. Baka manggulo yung ex wife nya at baligtarin pa kami.

Đọc thêm
5y trước

Medyo magulo no? Sabi naman ng byenan ko, kung manggulo man un, talo pa din sya kasi mas madami syang ginawang di maganda. Yung sa drugs lang talo na sya, at ngayon di alam ng pamilya nya kung nasaan sya. Pero awkward pa din..kasi katabing bahay lang namin sila 😅😅

Yes we don't deserve that.. Hehe pero Hindi ko Alam sis Kung uso but I think mas madrama lng Tao ngayon compare nuon cguro dhil sa mga napapanood?.. naloko din ako and natry na din na manloko once Hindi ko intention n gawin it just happened n Ang weak ko at that moment 😅 and I regret doing it. So minsan naiintindhan ko n din side ng nanloloko though Hindi ko sinasabi n Tama.. it's just a test and knowing what you really want in life minsan sa pag kakamali mas natututo tau.. my phase cguro sa buhay ntin n magkakamali tau as long as natuto and we acknowledge n Tau ung Mali it will be part of learning process n din as we grow old, ofc. My consequences lhat and we must learn to accept it.

Đọc thêm

Ako moms yung bf ko mag 3 month kami non nasa gensan ako nag work sya nasa davao sya kasi don siya naka tira ..1 time bumalik yung ex niya at hindi ko alam kung anong nangyari sa kanila kasi hindi namn niya sinabi sakin don niya sinabi sa mga barkada niya at nagtanong pa siya sa mga friends niya kung sino ang hihiwalayan nya ako oh yung girl actually hindi talaga cla hiwalay yung parang kinalimutan lang nila isat isa pero happy namn ako kasi ako yung pinili ..pero nainis lang ako kasi hindi niya sinabo sakin na nagkita sila pero hindi kona tinanong yun ..kaya lang ako na lagiey gumagit ng acc nya para malamn ko kung may katRantadohan syang ginawa ...kaya lang wala akong makita

Đọc thêm

Uso po. Actually naging kabit ako ng tatay ng magiging baby ko. Pero wala na sila ng wife nea nung naging kami. Nalaman ko may ibang babae siya. Wala siyang permanent na work, ung babae nea mejo may kaya. Di nea ako mapakawalan nung nakikipaghiwalay na ako dahil ang sabi nea pera lng daw habol nea dun sa girl. Though we planned to get pregnant, hindi pa din nea ako pinili. So ayun pinanindigan nga neang mas kailangan nea ung girl kasi nabbgay lahat ng kapritso niya. I am soon to be single mom at tanggap ko na yun. Hindi namin siya deserve ng magiging anak ko. Nagpaparamdam pa din siya pero dedma na lang ako. Atleast nawalan na ako ng sakit sa ulo

Đọc thêm
5y trước

Kabit pa dn po un kasi kasal siya. There is no other term for that. As long di naman sila nagfafile ng annulment

Same here..ngayon 7months tyan ko snbi sakin ng ttay ng pinagbbuntis ko wala n daw sya nrramdaman.at ang msakit p dun di n kya suportahan kmi ng baby ko.hirap kse ngstop ako s work dhil maselan ako sa pgbbuntis.snbi ko sknya n sana kht sa baby n lng at hintayin nya ako mkapagwork ulit😥pero ayaw na.kaya sbrang sma ng loob ko.hndi nya naisip hirap t sacrifices ko mbuhay lng baby nmin.nalaman ko n may iba babae pala t sa bisyo nya hndi nya kaya buhayin kmi.lam ko nkksma mstress ang buntis pero di ko mpgilan mgisip t umiyak.😥bahala na si lord samin.sna wag nya kmi pbyaan ng baby ko..at bgyan nya pa ko ng lkas ng loob t mging mtibay..

Đọc thêm

Ako po umpisa nung nalaman niyang buntis ako pinagpalit niya ko sa iba at sa katrabaho niya pa. Nagco communicate pa rin naman siya pero about ky baby yung madalas naming pag usapan. Kinakamusta niya rin ako na parang wala siyang kasalanan sakin at parang walang nangyari pero pag kinakausap ko siya civil na lang hindi na kagaya ng dati. Nag a i love you din siya sakin pag tumatawag nagtataka nga ako kung anong nangyari sa kanila ng pinalit niya sakin at syempre hindi ko sinasagot yung I love you niya kasi wala na kong nararamdaman sa kanya at naka move on na ko naka focus na lang kasi ako ky baby.

Đọc thêm
5y trước

Same case

Dahil yan sa epekto ng malalang sakit ng social media at malaking imoluwensya ng industriya ng telebisyon. Tayo kasing mga tao kung ano ang uso ginagaya at sinasabayan pag hindi ka IN ika nga old made ka at hindi ka sosyal. Tignan nyo na lang sa mga palabas sa tv hindi ba hindi nawawala yung mga kabet kabet na istorya kc mas mataas ang rating pag ganun ang mga content ng palabas dahil mas marami ang tumatangkilik dahil kuno sa mga nakakarelate pro ang totoo duon nakakakuha ng inspirasyon ang taong gumawa ng hindi maganda sa kapwa lalo sa isang pamilya.

Đọc thêm

Here's my 7pm thought: Yes, walang deserve na maloko mapa lalake man o babae. But since we're talking about boys, my question is these: What if si guy talaga ang malandi or hindi kuntento then naghanap ng iba. Then yung "iba" na nakita niya is pumatol naman sa kanya without having the knowledge na si guy pala ay in a relationship or is already commited. How do we balance our anger or frustations kapag ganun? Syempre ang sarap nila sapakin pareho diba pero diba parang victim lang din si "other girl" since hindi niya alam na ganun pala ang status ng guy?

Đọc thêm
5y trước

Kapag well and aware ang isang tao na siya ay third party syempre ibang usapan na yun. Hindi niya pwede sabihing biktima lang siya ng pag-ibig (give me a break! 🤨🙄). Ang problema kasi sa mga tao (I repeat MGA TAO, hindi lang lalaki), ang hirap hirap satin na umamin o mag sabi ng totoo. Mas pipiliin pa natin na makasakit o manloko. Kung di na mahal hindi na masaya let's be mature enough na kausapin yung partner at maghiwalay ng maayos then saka maghanap ng bago kung jowang jowa talaga. Walang break up na hindi masakit pero mas masakit kasi yung niloko ka na, ginago ka na, tapos wala pang closure yung break up. Kaya dumarami ang may trust issues eh.

Ayokong mangyari sakin yan, no one wants to. No one deserves to be cheated on. Kaya sa mga babae dyan na nang aagaw ng asawa or partner ng iba, isipin nyo ung pakiramdam pag sa inyo ginawa. Isipin nyo ung mga bata na tatanggalan nyo ng ama dahil sa kagagawan nyo. Isipin nyo ung pamilya na sisirain nyo. At sa mga babae at lalaki na naranasang maloko at ipagpalit, isipin nyo na lang na sila ang nawalan. Pakatatag kayo lalo kung may mga anak na kayo. Isipin nyo may greater plan ang Diyos para sa inyo. Godbless

Đọc thêm