BODY ODOR
Umpisa pa lang suspetsa ko na baby boy ang pinagbubuntis ko kase pansin ko amoy lalake ang pawis ko as in napakatapang. Kahit maligo ako ng maligo konting pawis lang amoy na amoy ko talaga nakaka conscious. Pati si mister suko sa amoy ng kilikili ko. Sabi nya hindi ikaw ang asawa ko hindi mo amoy yan! Pabiro lang syempre. Anyways lagi naman ako naliligo dahil ayoko mamaho pero pag gising ko sa umaga at pinagpawisan ako habang tulog grabe kaamoy ko yung mga construction worker na nakakasalubong ko sa labas. Just sharing.