162 Các câu trả lời
Wala na, I totally give up. Isang malaking kahon pa Naman ung binili Ng byenan ko. Halos di ko nakalahati. Binibiro ko nga kapatid ko na Hindi buntis Sabi ko sya na Lang uminom Wala Naman kakong kaso un, extra vitamins Lang, hilig nya Kasi sa bearbrand Choco e parehas Ang amoy. Un pag naaamoy ko nasusuka ako e Hindi Naman ako maselan sa pagkain. Dun lang talaga
Ako po Anmum chocolate! Tas sa malamig na water :)) sarap po! Recommended ng OB na uminom ng mga pregnancy milk po kse mataas sa calcium yan lalo na pag nasa 3rd trimester na para if hindi man ma-meet ng foods mo ung nutrients na iba, sa gatas naman makukuha.
Anmum po sakin chocolate flavor..nung una hiyang naman ako pro kalaunan nag iba na yung panlasa ko . Sinusuka ko na po siya kaya tinigil ko muna sayang kasi ang mahal pa naman.. balik nalng siguro akong uminom pagtapos maglihi
Prenagen po, medyo may kamahalan, pero di ko din po natutuloy kasi hindi po talaga ako umiinom ng milk since bata pa til now. Paminsan minsan naiinom ko, basta may mangga na pampawala ng lasa, yung hinog po na mangga.
Pregnagen na choco po ang sa akin since first trimester. 35 weeks preggy na po ako ngayon pero bawas na po pag intake ko to 2-3 a week nalang para hindi po masyado lumaki si baby sa loob. :)
Yes po na try ko din enfa mama at pro mama, same lang din ng lasa sa anmum parang kalawabg ginagawa ko iba ibang flavor binibili ko tapos diretsong lagokan kasi nasusuka ako sa lasa
Anmum choco 😀 s umaga lang ako umiinom siz kasi napopo-poo ako after ko inumin 😂 pero since marami nutrients nakukuha si baby s anmum Keri lang inom parin 😉
Oo, pero Alaska iniinom ko 😁😁 pero di po talaga ako umiinom masyado. Gusto ko lang ng mainit na inumin minsan, at dahil bawal ako sa coffee, alaska na pang 😁
selecta fortified milk low fat.. ayaw ko ng lasa ng anmum or any maternal milk plus nagccalcium carbonate ako 😂 at obimin pag di nagiinarte si baby
Anmum vanilla iniinom ko dati pero dahil d ko na gusto ung lasa ngvitamins nalng ako na nereseta ng OB ko for calcuim kahit d nko masyado mg milk..
Cristina Suyat