TALONG
Totoo po ba na bawal kumain ng talong ang buntis? At bakit? Salamat po sa sasagot
Depende po sa inyo, ako kasi binawalan ako ng mama ko na wag kumain. Kasi magkakaron daw ng birthmark si baby na violet. Pero nung nag search ako sa google. Since madulas yung talong may posibilities pona makalaglag sya ng baby. Pero syempre depende pa din sayo, basta in moderation lahat ng kinakain wala naman problema.
Đọc thêmAko gusto kong kumain, nag search ako at nakita ko naman na may benefit sa mga buntis ang talong,kaya lang ayaw ni hubby.. So, sundin ko nlng para walang away.. Kung gusto mo po kain ka, but in moderation lahat po ng sobra nakakasama
Ako po kc ng buntis aki hndi ako pinapakain ng talong makakasama daw un sa bata n ngingitim daw ung bata s tuwing umuiyak nag kakasakit s puso. Kya sinunud ko nlang po wla nman po sguro msama sumunud s mtatanda...
kaya nga mumsh e kasi ako din sabi ni mama ko na bawal daw akong kumain ng talong kasi buntis daw ako may sinabi si mama kung bakit pero nalimutan ko kung ano yun pero minsan kumakain ako ng talong hehe
Sabi sabi lang po un ng mga matatanda. Ngaun nga po ulam ko talong sarap. Hehehe sabi kasi nila magkakaroon daw ng maraming dot ang bata. E ung iba nga minsan un pa pinaglilihian hehehe
Kumakaen po ako , sa dalawa kong anak kumaen po ako . Itong preggy po ako kumakaen ako . Wala naman pong nanguare sa dalawa kong baby ☺️ Kasabihan lang po .
hindi naman , myth lang yan e 😊 ako isa yung sa hinahanap ko kase nag lilihi ako tapos gusto ko laging naka babad sa toyo na maanghang 😋
Hindi ah, may taniman kami ng talong, every breakfast may talong sa hapag kainan. Healthy siya actually so no worries eating talong.
Pwede nman po kumain basta konti lng kc ang tawag saaming mga ilocano magkaka subi- subi ung baby o ung parang violet sa pwetan:-)
Dipende po sayo kung naniniwala ka po sa sabi sabi wag kapo kumain kung hindi nman kumain ka.. nasa sayo nman yan.