Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?

🗨Topic: 😫😡Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak 🥲👶🏻❓ 🗓 Date: Wednesday, April 24, 2024 ⏰️ Time: 1.00pm - 3.00pm 🤱🏻🥲 💬Hi, I'm Kate Delos Reyes, Founder of Beacon and a Mental Health Advocate. Join me at the Ask The Expert session on dealing with BIG emotions in parenthood! 🥲😡🤱🏻Kasama ang theAsianparent team, tutulungan ko kayo na mas maintindihan ang ating emotional and mental health as parents. Pag-uusapan natin ang mga sumusunod: Bakit ang bilis kong magalit o umiyak nung naging Nanay/Tatay na ako? Bakit mas madalas na kaming mag-away mag-asawa nung nagka-anak na kami? Why do I experience BIG emotions as a parent? How do I properly deal with these emotions so they don't affect my child’s development? How do I know if I have Postpartum Depression or Anxiety? And more... See you!

Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?
45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

simula ng magkaroon ako ng 2nd baby which is 10 mos. na sya. lagi ko napagbubuntungan yung first born ko. napapalo ko sya, nasasabihan ko sya ng hurtful words which is hindi tama. sa sobrang daming problema sa bahay feel ko naaapektuhan yung mga anak ko. yung pag iyak nila, naiinis ako, yung kakulitan. napapagod ako umiiyak na lang ako sa gabi, kapag nagdarasal ako o kaya matitigan ko mga anak ko nagsosorry ako ng malala. napakasama kong ina sa kanila. nakakapagod na ikaw lagi kumikilos sa bahay, hindi ko rin naman masisi yung asawa ko kasi call center work nya 9pm to 6am, pag uwi kakain kami ng almusal tas matutulog na sya. gigising lang sya ng 1pm para maghatid tas tulog ulit. gigising ng before 6 para bumili ng ulam. ako lahat gumagawa sa bahay, napapagod na ako. feel ko hindi ko deserve to.

Đọc thêm
4t trước

Hi Mommy! Ang hirap mag-adjust from one baby to two noh? Ilang taon na yung panganay mo? Kung nakakaintindi na sya, pwede mo syang kausapin ng masinsinan. Normal lang na magkamali tayo sa mga anak natin. Ang mahalaga ay makapag-sorry tayo at maipaliwanag sa kanila kung ano yung mali sa nagawa natin. Chance din natin yung na maturuan sila ng life lessons. Sometimes, we feel that we don't deserve our situation especially if it's far from what we expected. Perhaps you and your husband can have a discussion to set new expectations. Talk about how you feel. Also ask him how he feels. Check mo rin if you have postpartum depression so you know what you're dealing with at para makakuha ka ng proper support: www.beacon.ph/ppdtest