13 Các câu trả lời
Thanks sa replies. Actually, marunong naman ako magluto. Pero nung nag-asawa ko, buong akala kasi ng mga in-laws ko pati ng asawa ko, eh hindi ako marunong mangusina. Pag tinatanong kasi ako dati kung nagluluto ako, sinasabi ko hindi ako marunong. So, never pa nila ko nakitang nangusina. Ngayon, nagkecrave ako sa spicy adobo. Alam na alam ko lutuin. Nagpapabili ako ng sangkap kay hubbydo, ang sagot sakin "magluluto ka?" in a very shocked and insulting tone. Hindi niya ko ibinili ng lulutuin. I am very disappointed. Walang tiwala sakin pati asawa ko na kaya ko magluto. If ever man na hindi, why can't he be happy na itry ko, right? There's always a first time. And the fact na asawa ko siya, he should be my number one support.
Ako... Prito prito, saing, at di ko mapaliwanag mga dessert lang alam ko gawin😂😂😂 at alam yun ni hubbyF pero sinasabi ko naman sa kanya na once na nagsama na kami at nagkabahay nang sarili madali ako matuto at willing naman sya turuan ako.... Ate ko kasi ganto rin kagaya sakin pero nung nagka asawa na naging cook na😂😂😂.....
Marunong magluto pero di masarap. 🤦♀️Minsan okay lasa kapag nakakachamba at may sinusunod na recipe pero if ako lang mag-isa ang tatansya, panget kinakalabasan. So, ayoko na magluto kasi ang mahal ng bilihin tapos di nasa-satisfy yung kakain sa lasa. 😔Bihira nalang mangyari lalo na preggy rin naman ako. More practice pa!
Actually I started cooking nung naging jowa ko si husband. I attended workshop kasi mahilig sya kumain. Ngaun i can say na.magaling na ako magluto hndi lang marunong. Partime business ko na nga ang cooking. Unlike before nung nasa poder pa ako ng parents ko nag iintay lang ng luto ng katulong namin.
Me, hindi talaga ako marunong magluto, kaso kailangan matuto kasi nakabukod na kami. Kaya lagi akong nanonood ng mga nilulutong pagkain sa youtube.😊 Kinakain pa din naman ng lip ko kahit matabang/sobra sa tamis/and sobra sa alat yung pagkain. 😬 Madalang lang yung tamang timpla.
Me, di talaga ako masasabing magaling magluto ng mga ulam though may mga alam akong lutuin pero konti lang.. More on dessert alam ko..
Normal lang po yun. Pero pwde k naman mag-aral magluto. Watch videos on YouTube. Mga ganun po. Oks lang magkamali at first
Dati nung nag asawa ako d ako marunong puro prito2 lang pero now one year after dami nako alam sa tulong ng youtube hehe
Me.. before.. Laking maid kasi ako. But when i went abroad to study college. Dun ako nagstart to cook. 😂😂😂
Nung bago po kami ng asawa ko di rin po ako marunong magluto...natuto lang katagalan
Ara