Am I wrong?!

Tanong lang po kasi yung tatay ng baby ko break na po kami kasi kasalanan nya masyado syang mapride ngayon po ako ang pinapalabas na masama sa ibang tao na kesyo kasalanan ko daw ganito po kasi yun nabuntis na po ako't nakapanganak di man lang nakapunta magulang nya dito para man lang makilala ng angkan ko dinadahilan nya lagi pandemic at wala pong byahe di naman po rason yun di ba kasi po may kamag anak po sila na may kotse pede naman po sila na sumakay dun tapos rason pa po nya may pasok sya sa trabaho ang akin lang po bakit ang dami nyang rason pero ni isa di sya makagawa ng paraan. Tapos po hindi man lang sya makagawa ng paraan para makita man lang kaming mag ina nya kahit may nabyahe na po o may sasakyan sila. Pagdating naman po sa pera kapag nagbibigay sya galit pa kumbaga po parang hindi bukal sa loob nya ang magbigay. Magbibigay sya ng 1k na pinadala nya nung sahod nya nung akinse tapos hahanapan pa nya ako ng tirang pera buti nga po pure breastfeeding ako diaper at wipes at cotton balls lang po ang nagagastos ko. Kaya parang lumayo na yung loob ko sa kanya di ko na sya kilala kasi nag iba po sya tapos kung ano pa masasakit na salita sinasabi sakin by the way wala pa pong 2 months mula nung nanganak ako at stress at depress na po ako ngayon at until now po di pa register si baby . #advicepls #1stimemom

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mag focus ka muna sa baby mo.. Kung nasa poder ka pa ng magulang mo mas okay yan.. Magpalakas ka, kumain ng maayos at mag pahinga.. Makakaranas ka ng postpartum depression at kailangan malabanan mo yan.. Wag mo muna intindihin ang nobyo mo kung ganyan na ang ginagawa nya sayo ngayon.. Basta kapag meron ka kailangan para sa baby iobliga mo syang magbigay sayo. Wag mo problemahin muna ang pag register ng bc ni baby.. Madali lang naman yan at reasonable kung late registrar due to pandemic. Mas mabuti nga yan dahil hanggat maaga eh nakiki lala mo na ang tatay ng anak mo.. At mapapag isipan mo pa ng maayos kung Dapat ka pa ba makisama sa kanya.

Đọc thêm
4y trước

Nasa ibang bansa po kasi ang mama ayoko lang po pati sya ma stress dun kakaisip sakin

Sa nakikita ko hindi pa sya handa sa responsibilidad kaya panay ang rason sayo. Kasi kung mahal nya kayong mag-ina, gagawa sya ng way para mabisita man lang kayo kahit may pandemic. Pwede naman mag arkila ng sasakyan parents nya para makita apo nila. Kanino naka-apelyido si baby? Hindi pa ba register sa munisipyo birth certificate ni baby?

Đọc thêm
4y trước

Yun nga po sabi ko sa kanya na mag arkila ng sasakyan para kahit papano makita man lang kami dun pa lang sa pag anak ko ng normal at di ako nahirapan malaking karausan na tapos sila pa yung nagpapahihirap lagi nyang sinasabi sakin bakit daw kailangan pa kasama magulang nya pag punta nya dito kung studyante daw ba sya at kailangan may magulang na kasama. Baka po sakin ko na lang ipa apelyido tutal wala naman po syang ka amor amor saming mag ina wala nga po sya nung nanganak ako e lola ko lang kasama ko kasi nasa ibang bansa mama ko