Tagal ko ng my secret bank accnt, years na, dahil dun nkapaglabas ako pera ng mawala tatay ko, nkpagDown ng kotse at nung nabuntis nga ko, nasa 70K nilabas ko, dun ko n sinabi sa asawa ko na may ipon ako. Pero kahit ganun, para sakin, savings nming dalawa ng asawa ko un, emergency fund.
Bakit ko tinago? Ung asawa ko madali utuin ng barkada, madali manglibre, kpag lumabas kmi (weekly halos nasa mall kami), hindi kmi nagtitipid sa food, umaabot ng 2k weekly minsan kain lang sa labas, kapag may nakita sya nagustuhan ko, ipapabili nya un..kapag alam ng asawa ko may pera pa kmi, hindi sya tlaga magtitipid..kaya ako ngsasave secretly.
Nung malapit n ko manganak, pinakita ko na bank accnt ko, sinabi ko n rin na ung pinangDown nmin sa kotse na 120K hindi galing sa utang, un kasi pinalabas ko hehe..hindi nman sya nagalit, expected n daw nya sakin may natatagong pera kc kuripot ako haha. Sa ngyon, sympre may isa pa kong bank accnt na di nya alam haha, pero maliit plang laman kasi nag-uumpisa palang ulit ako. Yung natira sa 70k n nilaan ko sa pagbubuntis ko, plus 60k ng SSS, eto gagamitin nmin sa binyag. Masaya ako, kc sa 13yrs nmin, di kmi mahilig magpabongga at party kasi nga kuripot ako haha, ngayon lang kmi maghahanda ng malaki, binyag ng baby nmin at birthday ng 12yo n panganay nmin..
So advise ko sa mga mommies, mag-ipon, kahit sa tingin nyo wala pagkakagastusan. Ako kc mas masaya nakikita pera ko sa savings kesa mgpaBongga sa mga tao, pero di nman kmi nagtitipid ng sobra, yearly kmi may out of town ng asawa at anak ko..spoil yourself din paminsan minsan pero wag kalimutan n dapat may naitatabi pa rin ?
Anonymous