Sobrng stress to the point na gsto ko na mawala si baby😭feeling ko hndi ako mggng mbuting ina sknya
Stress while Pregnant
super stress din po ako. due date ko na po sa august pero sobrang hirap pa din ng sitwasyon ko. take note hindi dahil sa away magasawa kundi sa mother ko. hindi ko na alam ang gagawin ko kasi kahit anong gawin naming desisyong magasawa palaging negative ang dating sa nanay ko. 27 na po ako nabuntis kasi ako ng di pa kasal so naging madalian po yung wedding namin dahil iniisip ko si baby. OFW ang mother ko kaya wala sya sa pinas nung nangyayari to although pinaalam nmin sa kanya and syempre nagalit sya dahil ayaw nya talaga sa husband ko dahil hindi mayaman at first bf ko. 25 yrs old na po ako nung nagbf. hindi din naman po kami mayaman pero bata palang ako gusto na ng mother ko na mayaman mapangasawa ko or foreigner ganun. so eto nga di ko naman po sinunod un dahil nasunod ang puso. and nung nabuntis ako sobrang takot na takot din po ako dahil sa sasabihin sakin ng ibang tao. madalas din po akong naiyak dahil di matanggap ng family ko lalo na po sa mother ko. minsan ok sa kanya minsan hindi. kahit anong gawin ng husband ko mali sa kanya. and inoffer nga po ni mother na sa kanya kami tumira. napagkasunduan naman nming magasawa na pumayag since only child po ako. pero hindi pa man lang ako nanganganak ang gusto ng mother ko bayaran namin yung bahay since sakin naman daw po mapupunta yun. pati pagbabayad ng kuryente at tubig. nastress po kaming magasawa dahil may mga iba pa din kaming gastusin lalot manganganak palang ako. hindi ko po alam kung tama ba na sa biyenan ko na lang kami pumisan dahil kahit papaano dun walang singilan na nangyayari or tiiisin namin magasawa ang mother ko.? kaya ang iniisip ko na lang palakasin kami palagi ng baby ko para kayanin namin anoman ang mga pagsubok pa na dadating.
Đọc thêmHello mommy, sana naisip mo na ang paggawa ng bata ay maraming beses po pinag-iisipan yan, dahil sa nakaatang na malaking responsibilidad ng pagiging isang magulang. Dapat mentally, physically, emotionally and spritually prepared ka. Kung alam mo po na at the first place hindi mo kayang panindigan yang pagiging ina mo, 'di sana hindi ka nagpabuntis. Its your choice own choice. I know emotionally unstable kapag preggy pero to the point na idadamay mo pa yung walang kamuwang muwang na bata jan sa sinapupunan mo which is SARILING ANAK MO it is really unacceptable. You know, this will be counted as sin, yang iniisip mo na sana mawala na yang baby mo dahil ikaw ang nagdadala niyan. Ikaw ang mag-aalaga habang nasa loob mo siya. If mangyari man yang gusto mo, habambuhay mo yan pagsisisihan, unless wala ka talagang pakiealam sa bata. Better seek help to professional (Psychiatrist) they may help you. Ibang babae gustung-gusto magkaanak, pero hindi nabibiyayaan, tapos itong mga nabibiyayaan, ganyan ang inisiip. I don't mean to be rude, I just don't accept this kind of thinking as a soon to be a mother. Ang sarap maging ina. Sobrang laking sakripisyo pero worth it. I lost a child once, at hindi mo gugustuhin yung feeling na may kulang na sa buhay mo habambuhay... Be matured since you are a mom na. Better use contraceptive din after mo manganak. Questionable na kasi pagiging ina mo, the way you think. Away sa partner or any problem pwedeng solusyunan. Pray and be strong mommy kaya mo yan. Para sa best gift na galing kay God, labanan mo.
Đọc thêmSorry po mommy, pero mahiya ka sa sarili mo, sa baby mo, at kay God. Magpahinga ka at mag-isip ng mabuti. Ilang taon ako naghintay para sa baby ko. Maraming araw at gabi na umiiyak ako dahil sa stress na baka dahil may pcos ako 'di nako magkakaanak. pressured ako, dahil una ako nagpakasal pero di kami makauna sa pagkakaroon ng anak. Madaming simbahan na binisita ko, madaming santo na dinasalan ko. Madami beses nako pumunta sa OB, madami na din akong nainom na kung ano-ano. at madami akong kamag-anak/kakilala na kayang kayang bumuhay at magpaaral ng kahit sampung mga anak pero di sila nabibiyayaan. Laking tuwa at pasasalamat namin ng mister ko, na ngayon may 9 weeks na baby na'ko sa tiyan ko. Kabado ako nung wala pang nakikitang fetus, sobrang takot ko nung dinugo ako. Pero nagtiis at nanalangin na maging ok sya palagi. Sana'y maging ok kami hanggang sa tuluyan mabuo at makalabas sya. (Sorry emotional talaga ako kapag usaping ayaw magka baby, iniiwan/tinatapon/pinamimigay/sinasaktan mga anak nila.) Napaka swerte mo mommy. Wag mong sayangin yan. Ibinigay sayo yan dahil alam ng panginoon na para sa'yo yan. Maraming gustong-gustong mabuntis pero di nabibiyayaan. kung may problema ka man sinusubok ka lang nyan. Maging inspirasyon mo sana ang baby mo, hindi yung nadadamay sya sa stress na wala naman syang kinalaman.
Đọc thêmmommy stop ka muna sa mga ginagawa mo at mga iniisip mo.. stop for a while, huminga ka muna.. isang malakas na buntong hininga.. inhale and exhale... rest ka muna saglit... nakaka- stress talaga ang physical pain sa buntis.. kaya yung emotional pain mo, isantabi mo muna para di makadagdag sa stress mo.. kung sinuman yan or anuman yang nagpapa- stress sayo, forget about it muna... pakalmahin mo muna sarili mo, relax ka muna.. think of your baby FIRST OF ALL.. sa iniisip mo nararamdaman ng baby mo yan, kung di mo na kaya ang stress mas lalong di kakayanin ng baby mo yan at later on, sya na mismo ang gi-give up at lalabas dyan sayo.. think of it many times, nag- asawa ka at nag- anak.. kung pinagsisisihan mong nag- asawa ka ng nakaka- stress sayo, wag mo sanang pagsisihan na bumuo kayo ng baby, dahil ginusto mo rin yan at binigyan ka ng biyaya... pag- isipan mong mabuti mommy... i know how you feel being helpless at walang matakbuhan o mahingahan ng problema.. i will pray for you na malampasan mo yan.. pagsubok lang yan mommy at isipin mo na di yan tatagal pa at malalampasan mo rin yan... PRAY ALWAYS, DOBT FORGET GOD.. He is just there waiting for you to call to him for help.. dahil nakikita nya lahat ng paghihirap mo.. SANA MAKA- SURVIVE KA
Đọc thêmI've been there po. While I'm on my pregnancy period, ang daming nangyari sakin lalo na samin ng partner ko. Na talagang ikakasira ko at dumating din sa point na ganyan. "Sana hindi ko nalang hinayaan na mabuntis ako" "Sana iba nalang ama ng anak ko" "Sana makunan nalang ako para mapansin naman nila yung nararamdaman ko" Ang dami pong pumasok sa isip ko that time sa sobrang stress na rin po. Naisip ko pa ngang magpakamatay kaso naawa ako sa anak ko. Lahat ng "sana" ko pinagsisihan kong pumasok sa isip ko. Buti nalang hindi ako pinabayaan ni God kahit na feeling ko talaga wala akong kakampi sa mga panahon na yon. Kaya kapit lang po! Malalampasan mo rin yan. Anuman po yung pinagdadaanan mo ngayon, always remember po. WALA pong kasalanan si baby don. So please, wag ka pong mag isip ng ikakapahamak ni baby. One day mare-realize mo rin na tama lang na kumapit ka kahit ang hirap na. Kung need mo po ng kausap, nandyan po si God ready na makinig sayo. Hindi rin po ako paladasal na tao pero sa mga oras na nahihirapan ako, sa kanya lang po ako lumalapit. Hindi po instant ang sagot nya sa mga dasal natin pero maghintay ka lang po. Tyaga lang matutupad rin po mga dasal mo 🙏🏻
Đọc thêmDumating din ako sa ganyang sitwasyon, to the point na pakiramdam ko puro stress at sakit nalang nararamdaman ko. Pero sobrang iniwasan ko talaga mag isip na gusto ko nalang mamatay anak ko. Isipin mo nalang na yang batang dala dala mo e walang kamuang muang sa mga nangyayare sa buhay mo, walang kasalanan sa mga pagsubok na dumadating sayo. Ako mag 7mos na baby ko, until now stress padin ako sa husband ko to the point na gusto ko na makipaghiwalay, pero lagi ko parin sinasabi sa sarili ko at kay Lord na ingatan baby ko. Ayoko siyang maapektuhan ng dahil lang sa mga nararanasan ko sa buhay ko,gusto ko manatili siyang nakakapit sakin, manatili siyang malakas at lumabas siya ng normal. Kase lahat naman ng pagod at stress mo pag lumabas na yang baby mo, lahat yan mawawala. Sa kanya mo na makukuha yung pahinga na hindi mo makuha sa iba e. Sa kanya mo na makukuha yung lakas at sigla na wala sa ibang bagay o sa ibang tao. Tatagan mo lang, alam kong di ganun kadali pero malalampasan mo yan. Malalampasan nating mga mom's yang stage na yan. Pray ka lang, kaya mo yan! Cheerup! :)
Đọc thêmnaiisttress den ako napapagod😞😞 ako lang mag isa sa bahay halos kasi yung partner ko walang ibang ginawa kundi mag golf makipag inoman at hanggang madaling araw halos araw araw ganon maswerte lang pag nakaramdam sya pagod syaka lang mag sstay sa bahay... napapagod naiistress ako sobra kasi sa tatlong taon na ganon routine ko kahit di pako buntis.. ayaw nya ako magkaroon ng kaibigan magkawork😞 di ko na alam gagawin ko mga magulang sinusumbatan after paaralin ganto ginawa ko sumama sa matandang lalaki😞 tapos ang hirap pakisamahan wala akong karapatan magalit magtampo sunod sunoran😞😞😞 pero sa tuwing nkikita ko si baby nginingitian ako habang umiiyak ako sa hirap ng naging sitwasyon ko hinahawakan nya mukha ko sa bawat tawa ngiti nya.. dun ko naiisip n magpasalmat ako sa dyos at nabiyayaan ako ng isang anghel.. at nawawala lhat ng pagod at hirap ko.. kaya maniwala ka pag andyan na baby mo kahit anong hirap pagdaanan mo magiging maayos basta nandyan anak mo at mas magiging matatag ka..
Đọc thêmmy pregnancy was unplanned. that time, nag-aaral pa ko and i was forced to stop my studies. sobrang stressed ko din that time. hindi ko alam gagawin ko at mas lalong wala akong idea kung pano maging mabuting nanay. pero nung nanganak ako at nahawakan ko ang anak ko, iba yung naramdaman ko. sobrang saya ng puso ko. by the time na nahawakan ko siya, para bigla na lang na alam ko yung gagawin ko sa kanya. alam ko yung mabuti para sa kanya. alam ko yung hindi. maraming nanay yung hindi binibiyayaan ng anak pero ikaw, you're blessed to have that little one of yours. pag nawala yan sayo, baka magsisi ka habang buhay. it's okay to be stress, it's okay to be sad pero wag naman sa point na pati baby mo idadamay mo. wala namang kaalam alam yang batang yan. it's your choice after all. kung ano man ang pinagdadaanan mo, isipin mo na lang na maraming tao yung merong mas mabigat pa dyan sa problema mo, na you're still blessed. don't lose hope mamsh. kaya mo yan. kayanin mo for your baby.
Đọc thêmDzae, wag kang mag-isip ng kung ano ano. Ako nga oh, iniwan ng partner na sundalo, sumakabilang bahay haha, at 23 years old palang. Andami ko pang pangarap sa buhay! Magmemed pa sana ako after ko maging ganap na military nurse, pero di ko na maabot abot dahil ayokong iwan baby ko. Tapos may mental health issues pa akoㅡyes, diagnosed ako with anxiety, bpd, depression and ocd, at nurse pa ako na currently still working ah, grabe stress ko dzae pero di ako nagpapadala sa mga negatibong energies na yan. Pagpray mo lang yan kay God, siya lang makakahelp sayo. Di naman kasi mawawala yang mga problems nating lahat eh, pero ipagpaubaya mo nalang kay Lord, promise, gagaan din yang pakiramdam mo. At isa pa, kailangan mong maging strong! Ikaw lang mamahal at pprotekta sa anak mo, iba talaga ang mother's love. Kaya be stronger, atleast for your child. Laban kalang siszt!
Đọc thêmMas maiistress ka habang buhay mi pag nawala yan dinadala mo dahil yan ang kahilingan mo.. Wag ka ganyan mag isip binigay yan sayo bata na yan dahil yan ang kasa kasama mo habang buhay isipin mo kung gaano masaya magiging buhay mo pag naipanganak mo na siya. Oo napakahirap maging nanay pero pinakamasaya yon sa buhay ng isang babae. Napakaswerte mo kasi sa dami ng nangangarap maging ina.. Ikaw ay biniyayaan ni Lord ng isang magandang pangarap. Kung may mabigat ka dinadalang problema.. Ipagdasal mo nalang di yun idadamay mo pa si baby.
Đọc thêmNakakabigla din po talaga sa dami ng likes ng post kong eto.. Ang totoo masakit po kasi talaga bilang isang magulang ang makabasa na may isang nanay na gusto mawala ang anak niya dahil sa stress siya🥺 hindi natin alam ang problema ni mommy siguro masyado mabigat kaya niya nahiling yung ganon kasakit na bagay.. Ang dasal ko lang maging healthy at malakas ang anak niya at sana mapagsisihan at humingi ng tawad si mommy sa negative na hiling niya para sa kanyang baby..