Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
With Baby boy
Normal ba ang naghuhubad ang 2yrs.old kahit wala namang dahilan
Hi po mga momshie, 1st time mom po ako with my first baby, 2yrs.old boy. Sa ngayon po 2yrs.and 5mos.na po sya, lately napapadalas ang paghuhubad nya ng pampers at damit, kaya tuloy hubo't hubad sya.. nagagalit sya or umiiyak kapag pinipilit kong ipasuot sa kanya yung bagong lagay kong diaper (na kakahubad lamang nya).. di ko lang po alam kung anong klaseng behavior po iyon.. meron po ba sa inyo nakaranas ng ganito? Ano po ginagawa nyo? Maraming salamat po sa sasagot. God bless
Bakuna sa center vs private hospital
Hi po.. 1st time mom po ako.. ang baby boy ko po ay 1yr.and 8mos.na po ngayon.. naka-private po ang anak ko sa pedia pero nagpabakuna rin po kami sa center.. now need ng booster pero sa pedia daw po, ask ko lang po kung ok lang po ba na wala ng booster kase complete naman na po bakuna nya sa center?
How to potty train a 1 yr.old baby
Mga momsh may tanong po ako, pano ko po ba matuturuan ng potty train ang baby ko. Im a first time mom. My baby boy is 1 yr.old and 3 mos. Nakakapaglakad na po sya ng nakahawak sa kamay/daliri ko or nangangabay po. Kapag po kase umiihi sya nilalabas nya yung *ano nya sa pampers nya kaya laging basa diapers at damit nya (pag sa gabi, natutulog ganun din po) at lately lang tinatanggal na nya pampers nya pag nag poo sya.. pano po ba gagawin ko para matutunan nya mag poo at wee wee sa banyo? Maraming Salamat po sa sasagot.
Another baby?
Hi po mga momshie, Im 37 y/o turning 38 this year on nov. Nanganak po ako sa 1st baby ko at age of 37 (last year- aug.2021) at gusto po ni hubby na masundan pa (ng girl). Ang tanong ko po ay pwede pa po ba ako mag 2nd baby? At nalaman ko na 2 yrs.daw ideal age gap pag nabuntis ulit, ang tanong ko po ay pwede po ba na 1 yr. lang po ang agwat? Magkakaproblema po ba if maging one year ang agwat? Salamat po sa sasagot.
2-3 days bago magdumi si baby
Hello po momshies, may tanong po ako, 2 months na po ang baby ko.. ang problem po ay 2- 3 days bago po sya magdumi.. mix po ang pag inom nya.. naka bottle po sya kasi konti lang po nakukuha sakin, nirekomend naman po ng pedia ang formula fed.. pero paano po ba sya mapapadumi ng kahit once a day (lang)? Maraming salamat po.
Breastmilk
Mga momshie ask ko lang po kung anong buwan ba dapat nagkakaroon na ng gatas ang isang ina? Last check up ko po ay June 15,2021 and im on my 31w.. pero malapit na po ulit ang next check up ko sa July 13,2021... Sabi ng mga kakilala ko bakit daw hindi pa ako nagkakaroon ng gatas sa dede.. BAKIT NGA BA? Sana po may makasagot.. Im 36y/o and 1st time mom. Maraming Salamat po.
Nakakangalay na pagtulog sa left side
Hi po mga momshies.. Im on my second trimester... lately po kasi sumasakit ang singit ko sa left side, nagha- hot and cold compress naman po ako, pero pagdating ng gabi sumasakit po sya lalo't naka- left side position ako na nagiging sanhi ng di kompotableng pagtulog ng maayos sa gabi, nagigising ako every 2-3 hrs.na masakit ang singit ko pag konting galaw.. alam ko po na left side ang tamang position sa pagtulog pero may iba pa po bang paaran para makatulog ng komportable sa gabi? Nag- uunan naman po ako sa pagitan ng hita at sa tiyan.. ok lang po ba na tumihaya? Sabi po kasi diba wag daw po nakatihaya.. Maraming Salamat po.
Blood type "O"
Nabasa ko po na may epekto sa baby kapag blood type O ang mother... Lately ko lang nalaman ang blood type ko (blood type O). Tanong ko lang po, pede na po ba ma detect ang blood type ng baby habang nasa sinapupunan pa lamang? Im on my 23 weeks pregnancy. Salamat po.
Masama po ba magpamasahe ang buntis gamit ang virgin coconut oil? May masama bang epekto sa baby?
Virgin Coconut Oil