oligohydramnios + CS

our story: Hello Momshies, meet my baby girl, grabe can't belive na ma undergo ako ng emergency CS, Saturday, September 5, 2020 check up ko lang may ultrasound din ako that day 36 weeks and 5 days plang si baby. ayun we found out na super konti nalang ng water ko 3cm nalang daw as per sonologist, so after that inadvise nya n mag seek ako ng immediate Consultation sa OB ko, kinakabahan ako ksi baka ano mangyari, so i went ahead sa maternity clinic na dpat pag aanakan ko since i know before na everything was normal i decided na dun nalang manganak and wag n s hospital since ayoko makahalubilo ng matao dahil nga sa pandemic, nung pinacheck ko ung result sad to say hndi daw sila nagpapaanak ng ganung condition need daw iinduce and pang normal lng talaga sa maternity clinic and need ko na ma admit sa hospital. That day na admit n nga ako sa hospital, 1cm plang ako im hoping and praying na everything is okay and ma normal ko si baby. They tried to induce me kaso wala n progress ung labor ko wala ako na feel na hilab until monday mag 3 days ako sa operating room na mag isa and nurses lang ksama hooing na maka feel n ako ng hilab pra bumaba na si baby, and since wala n talaga and nag stop ma s 3cm my OB decided na i emergency CS na ako, kinakabahan ako ksi 1st time ko bawat krayom nantinuturok skin supwr sakit, hanggang sa nag take effect na ung anesthesia and nanginginig n ako. Thank God dahil nailabas na si baby September7th and dahil nag 37weeks n sya no need n sya ma incubator. Ayan sya super cuuute hehe! Sa mga mommy na manganganak palang Pray and everything will be okay ☺️ #CSMomStillRecovering

1 Các câu trả lời

VIP Member

Hello baby! Congrats mommy 💖

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan