never give in po.. kaya siguro naging ganyan kasi napagbibigyan mo siya before na di pa extreme tantrums so ang tendency kapag di mo pagbibigyan sa level ng tantrums na pinapakita niya, lalo pa niya itataas ang level hanggang sa ikaw po ang sumuko kasi nagkakaganyan na siya.. try to offer something else and negotiate. You have to show your child na ikaw ang masusunod and that ung pag ooffer mo ay parang bait mode ka pa nyan. Try negative and positive reinforcement, pwede din reward or exchange. Dapat kasi at young age hindi pa siya pwede masunod.
Ako ang nagdisiplina sa mga pamangkin ko and now, super masunurin. Ganyan ginawa ko sa kanila. Take ko mga bagay na gusto nila pag nagloloko, bigay ko gusto pag di na nagloloko. Give ko reward pag nakagawa ng mabuti. Exchange ko sa ibang bagay or activity if mejo over na sila lalo na sa gadget.
Ginawan ko sila dati ng Good Boy Notebook tapos nilalagyan ko ng sticker or tinatatakan ko ng star pag behave sila. Nilalagay ko din activities namin dun or task and pag nagawa nila, very good sila. Tapos pag pasko, depende sa dami ng stars ung gift nila from me.
Đọc thêm