Stress

Sobrang stress na ako ??. Nagka sipon at ubo noong nakaraan ang baby ko napa pedia ko na at natapos na namin ung nireseta saknya pero may sipon pa baby ko medyo malabnaw, ung ubo naman parang nasasamid lang. Tapos ngaun naman may lagnat baby ko, tingin ko nahawa sya sa MIL ko nagkalagnat kasi sya kahapon kahit nd niya hinawakan baby ko pero tingin ko possible naman talaga na mahawa baby ko sa kanya kasi nasa iisang bahay lang kami. Kanina panay parinig nya habang hawak ang baby ko na panay inom ko raw kasi ng malamig nung buntis pa ako kaya di mawalan walan ng sipon baby ko, tapos umiinom pa raw ako ng malalamig alam na nagpapadede ako. Sobrang stress na ako wala akong maayos na tulog simula kaninang madaling araw (3/21/20 @ 2AM) nag aalala pa ako sa anak ko. Kakagaling ko lang sa binat tapos ganto pa nangyari. Jusko kung pwede ko lang kunin ung sakit ng anak ko gagawin ko. Pakiramdam ko napaka irresponsable kong ina kasi nagkasakit ang anak ko. Pagod na ako sobra pero nilalakasan ko loob ko para sa anak ko. ???

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Healing for your baby In Jesus Name 🙏🙏🙏