PAG ANAK NAGKASAKIT LAGI SISI SA INA
Bat ganun? Everyday kasi nabisita mga byenan ko sa bahay. Yung salita ng MIL ko na kaya daw pabalik balik sipon at ubo ng baby ko kasi naliligo daw ako ng gabi nun buntis ako. Like what? Ano koneksyon nun sa pagsakit nya? Inaalagaan ko naman mabuti baby ko, nagresign nga ako para matutukan sya eh pero ako pa ang sinisisi. Paano yung ginagawa nila na ipilit paliguan ang bata kahit may lagnat. Nagkapneumonia sya dahil sa paligo ng paligo, pag wala ako at may naasikaso hindi pala masyado maligamgam ginagamit. Ngayon 39 temp nya gusto nila paliguan. Sino ngayon nagdadala ng sakit sa bata kundi sila lang din. Hindi ko gugustuhin magkasakit anak ko kaya ako minsan strikto tapos sasabihin ang selan ko daw. Kung pwede lang sana akoin para di siya mahirapan. Paano kasi sa tingin nya sya lagi tama. Na stress ako. Pag bumubisita sya sa bahay nakikita ko palang stress na ako. Dami sinasabi mali naman.