Takot

Sino dito yung takot sa parents hanggang ngyon dipa masabi na preggy na? ?? Huhu. Pano kaya uumpisahan to

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Been there, done this na. Especially ayaw ng parents ko sa boyfriend ko. Nagdadalawang isip pa ako na ipaabort ko si baby para wala nang problema. Pero naglakas loob ako na sabihin kay mama ko muna na 2-3weeks pregnant ako. Buong akala ko, pagalitan ako ng bonggang bongga. Though napagsabihan ako ng paulit ulit for 1 week straight at may halong pang pasimpleng sumbat. nung approaching na ako 2 months, sinabi ko kay mama ko na ipaabort ko na lang, ayun, nagalit sa akin. bakit ipalaglag daw apo niya eh baka siya lang daw ibibigay ni Lord sa akin at hindi na mabigyan pa ulit ng biyaya. mag te-27 na ako nyan ha. may trabaho naman ako. pero ngayon mag ti-3 months na ako, nakita ko accept naman nila, wala naman sila magagawa kasi andyan na yan kundi tanggapin at tulungan ka. promise, sa una lang yan ang galit, once lalabas na si baby, mas una pa yan sila hahawak sa baby mo. mamahalin din nila yan. Cheer up. Have the courage na sabihin mo mas maaga kasi dyan ka parin babagsak sa same sitwasyon if later mo pa sinabi.

Đọc thêm

Hi same tayo prob nung buntis pa ko haha kakapanganak ko lang last july 21.. Sa sobrang takot ko 8 months mahigit na tyan ko nung nalaman samin (maliit kasi ako magbuntis tsaka baka totoo nga kasabihan na pag tinatago mo makikisama si baby) tas ayun nalaman kasi nag pre term labor ako sinugod ako boyfriend ko hospi di ako pinauwi so need na sabihin kasi hahanapin ako mommy ko wahahaha di naman na ako napagalitan siguro kasi nasa hospi ako ganon alam mo nung nalaman mommy ko panay bili niya gamit sa baby ko tas mas excited pa sya sakin na lumabas na baby ko.. Winish ko na sana sinabi ko nalang mas maaga mas na enjoy ko siguro pagbubuntis ko.. Pati mga lolo at lola ko, tito tita excited lumabas babt ko non... Kaya wag ka matakot, sa una lang ang galit pero matatanggap din nila yan lalo na pag andyan na si baby mo 💗

Đọc thêm
5y trước

Partida graduating student ako nung nabuntis ako hahaha nalaman mommy ko tapos na sem inaantay ko nalang graduation

Same. But that was before. Nalaman ng mom ko alam mo ba kailan? 4months na tyan ko. Strict mama ko and gustong gusto nya ako makatapos. So sa takot ko ang ginawa ko tinry ko syang iabort which is mali. Pero siguro will ni Lord na mabuhay to so di sya nalaglag. My mom approached me like this ," anak, may gusto ka bang sabihin?" *with calm voice and face* then yon nung una denial ako. Pero wala e, nafeel ko yung love ng mom ko so sinabi ko. Akala ko it will be like in the movies na sasampal sampalin, papalayasin , kakaladkarin sa labas. No. Instead she asked sino ama then yon. She started treating me special everyday. Pinapaalalahan nya ako sa mga do's and donts. Kung yung mom mo is open minded person and mahal ka talaga, she will accept you tho. Agahan mo na ng pagsabi girl.

Đọc thêm
5y trước

Ok na momsh, nasabi kona saktong 17weeks ako. Hehe. Tumawag hubby ko sa mama ko then ayun umiyak lang tas wala na tas ako nakausap nya ko nagtanong lang na bat diko daw sinabi ng maaga. Ayun nung nalaman ang reason di naman nagalit tas siya na din nagsbi sa dad ko. Wala kasi sila sa pinas e kaya tawag lang sa messenger nagawa nmin. Happy naman sila di naman nila ako pinagalitan, yun nga lang nanghihinayang ako sa ginawa ng dad ko, Naka ayos na kasi papers ko after grad ko sana punta nako dun. 😥 Thank you mamsh! 😀

Thành viên VIP

I remember when I was only 19 when I got conceived. Halos patayin ako ng nanay ko nung malaman niya, nalaglag kasi ako sa hagdan nun that was probably 12 steps good thing maganda kapit ng baby ko nun wala siyang defecdefect, if you ask. Pero ayun nga ang hirap umamin. Kung hindi pa ko nalaglag di pa nila malalaman. Since daddy's girl ako. Natanggap din ng papa ko pero ayun maga mata niya. Ung mama started not talking to me. Until now 6 years na nakakaraan, she just shut me out for good. I still ask her for forgiveness. Sana ibigay na niya. Sana maamin mo na din. Good luck girl, whatever happens CONGRATS!!! Dahil you must have done something so good para i-reward ka ni Lord ng such blessing yung baby mo. Good luck sis, aja!

Đọc thêm

Positive Lang mamsh. Ako kasi nun sobrang pinag iingat ako ng parents ko na mabuntis. Pinagsasabihan nila ako palagi na mahirap mabuntis sa ganyang edad. Not knowing na 4months preggy na ako nun. Oo parin ako ng Oo sa mga sinasabi nila hanggag sa nalaman nila mismo nung 6months na ako di na kase matago tyan ko nun at Hindi na kaya mg konsensya namin ni hubby.... NUNG UNA NAGALIT SILA PERO ININTINDI KO KASE SINO BA NAMANG MAGULANG ANG DI MAGAGALIT SA SITWASYON NAMEN PERO NOW 39weeks and 1day na ako supper support sila sa amin.... Kaya positive Lang mamsh

Đọc thêm

Ako 2 months pregnant na ako nung sinabi ko. Kay mama ko unang sinabi. Akala ko eh sisigawan ako pero hindi. Sinermonan ako pero kalmado lang siya. Siya na din nagsabi sa tatay ko. If I were you mom mo muna kausapin mo. I'm sure maiintindihan ka niya. And then sabihin mo ano plano mo at ng partner mo. Pwedeng magalit sila pero tanggapin mo un. Mas magagalit sila kung itatago mo yan ng matagal. Ayaw ng parents na naglilihim ang anak. 🙂 At the end of the day, family is love parin naman.

Đọc thêm

For the Holy Spirit will teach you right at the very moment what you ought to say. Luke 12:12 KJV Kaya mo yan sis ❤️ sa una lang naman normal na nagagalit sila. Pero at the end of the day family is love. Walang halong charot 😉 believe in the power of prayer sis. It really works. Goodluck and have safe pregnancy. Wag mag paka stress.

Đọc thêm
6y trước

Kaya nga sis e. Sige po. Thank you

Thành viên VIP

. . ang hubby q nag sabi sa mama q kasi ayaw pa ng mama q na mabuntis aq para makabigay pa aq ng support sa mga kapatid ko ..takot din aq na magalit c mama q sakin kaya hindi ko rin sinabi sa kanya peru talagang c hubby ng sabi sa kanya at yun nagalit nga peru nawala namn paglipas ng 1month at happy xa na nakita ang baby namin , first apo din kasi..

Đọc thêm

Naintindihan kita sis, ako kakasabi ko lang last week sa parents at kapatid ko. Sobrang conscervative kasi ng family ko e, nung una nadisappoint sakin parents ko pero mas nangibabaw yung pagalala nila sakin, sa ngayon excited na daw sila makita ang baby ko. Kaya mo yan sis, for sure mangingibaw din ang pagmamahal nila sa inyo ni baby

Đọc thêm

Takot din ako sabihin noon. Pero nung mag 3 months na tyan ko nilakasan ko na loob kong sabihin sa parents ko . sa una, nagalit talaga sila at nanghinayang pero unti unti nman na nilang natanggap. Wala nman na daw silang magagawa kasi andto na. Tyka binibigyan nila ako ng mga advices. kaya hanggang maaga sabihin mo na sa kanila.😊

Đọc thêm