Momsh, mga dahilan bakit naiyak ang baby (mga bagay na kailangan mo icheck):
- diaper, check mo baka basa na sa ihi or may pupu na.. Palitan mo agad momsh
-gutom, baka po gutom baby mo kaya naiyak
-kabag, make sure na ibuburp mo po sya every feeding.. Idadapa mo lng sya sayo. For me mas effective pag nakatayo ako tapos idadapa ko sya sa bandang shoulders at dede ko.. Maririnig mo didighay sya ng malakas kapag may kabag
-room temp, baka masyado malamig or mainit po kaya hindi comfortable si baby
-baka may masakit sa kanya, check mo po baka may rashes or mga sugat kaya iyak sya ng iyak
Yan po ginagawa ko sa baby ko. 1 month and 2 weeks na po sya ngayon. First baby ko din. First time mom po ako. Nagpaturo ako sa mommy ko after ko manganak mga 1 week ako nagstay sa bahay namin bago ako umuwi sa bahay namin mag asawa. Ok lang momsh to seek your parents help, mahirap po talaga kung lahat ay pipilitin mong kayanin. Yung baby ko po never naging iyakin. Sobrang bait. Basta check mo lang po palagi mga yan. Umiiyak lang naman sila kapag may discomfort or may kailangan po. Huggss momssh kaya mo yan. Fighting! 🙏🙏🙏
Đọc thêm
MOM