25 DAYS BABY 😭😭😭
25 days na kami ng baby ko, super iyakin na nya. Kung kelan mag oOne month na 😭😭😭 Minsan wala nkong maisip gawin kundi tignan syang umiyak kasi dko na alam gagawin ko. Tamang titig lang ako sa kanya habang naiyak sya, kawawa naman sya. Any tips? 😭 Gsto ko na umuwi sa mama ko para tulungan ako mag alaga. 😭#firstbaby #1stimemom #pleasehelp #advicepls
Momsh, mga dahilan bakit naiyak ang baby (mga bagay na kailangan mo icheck): - diaper, check mo baka basa na sa ihi or may pupu na.. Palitan mo agad momsh -gutom, baka po gutom baby mo kaya naiyak -kabag, make sure na ibuburp mo po sya every feeding.. Idadapa mo lng sya sayo. For me mas effective pag nakatayo ako tapos idadapa ko sya sa bandang shoulders at dede ko.. Maririnig mo didighay sya ng malakas kapag may kabag -room temp, baka masyado malamig or mainit po kaya hindi comfortable si baby -baka may masakit sa kanya, check mo po baka may rashes or mga sugat kaya iyak sya ng iyak Yan po ginagawa ko sa baby ko. 1 month and 2 weeks na po sya ngayon. First baby ko din. First time mom po ako. Nagpaturo ako sa mommy ko after ko manganak mga 1 week ako nagstay sa bahay namin bago ako umuwi sa bahay namin mag asawa. Ok lang momsh to seek your parents help, mahirap po talaga kung lahat ay pipilitin mong kayanin. Yung baby ko po never naging iyakin. Sobrang bait. Basta check mo lang po palagi mga yan. Umiiyak lang naman sila kapag may discomfort or may kailangan po. Huggss momssh kaya mo yan. Fighting! 🙏🙏🙏
Đọc thêmsame situation po here.. 1mos si baby breath in and breath out lang po mommy kasi emotional dn po tau napapagod pero kailangan tau no baby natin. usually po if napadede naman nachange na ng diaper napa burp naman si baby cause po ng pagiyak nila eh need nila ay tau ang tender love and care natin lalo na satin mommy they want to be hug masakit man sa balakang dahil kakapangank lang tii2 lang for baby more love talaga need po nila. try po ihele at mag shsshsh.. sounds or white noise while hinehele mas narerelax po si baby. but madalas pag na breakdown na ako at naiiyak na sa pagod nag breathin breath out muna sabay kiss amiy kay baby pang pawala ng pagod at frustration para mas maalagaan ko siya ng kalmado if na over dn ako sa emotion nagpaoa sub ako kay hubby para mag calm down dn ako muna saglit bago ko uli kunin si baby na feel kasi nila ung lungkot or frustration natin feeling ko mas nagiging oritable sila pag nararamdaman nila emotions natin.. kaya natin to momsh for baby
Đọc thêmsame 1month na si baby sobrang iyakin, kinakausap at natatawa na lang din ako dahil naiisip ko kapag umiiyak sya dede,basa na,karga kapag ayaw nang karga iyak ulit sya sa Hindi ko na alam Ang gagawin ko kiss ko na lang pisngi nya tas hanap nanaman nang pwesto kapag natigil na sya ibaba ko na sa kama nakakangawit din Kasi tas yun Hindi na umiiyak mamaya ulit iiyak paulit ulit lang din Ang gawa namin kahit Hindi ako nakakapag linis, luto basta hwag syang iyak nang iyak buti tinutulungan ako nang mga kapatid nang asawa ko Kasi may toddler din ako hirap kapag nag sabay sila Wawa na... pero Masaya na mahirap kahit papaano alam mo Ang gagawin para sa anak mo positive lang para.magkasundo kayu...
Đọc thêmumpisa pa lang yan ng mga sleepless nights at walang pahinga mamshie 😊 dont worry too much...kapag umiiyak si baby kargahin mo lang...kaunting sayaw...kanta kahit sintunado na at iba iba na ung lyrics...madami pa changes ni baby as they grow.. kapag pagod na sa karga baba mo muna saglit..inom ng tubig..pahinga saglit..kausapin mo din si baby..bili ka din ng rattle or mobile music para may nakikita at napapakinggan si baby...kapit lang mamshie..si LO ko 2 mos na...minsan wala ako tulog kasi ibaba mo palang iyak na or gising na ulit...ngalay na mga braso..pero worth it naman kapg nagsmile na si baby sayo...
Đọc thêmthank you mommy , laban lang. buo ang loob ko tonight, hndi ko susukuan ang anak ko 🤗 Iyak lang yun, mommy nko 💪
ganyan din kami nung mga 1st two weeks ng baby namin, tipong mapapahilamos ka na lang sa mukha talaga kasi ayaw nya tumigil umiyak. ang ginawa ko nyan, pag nararamdaman kong maiirita na ako, hinga muna ako malalim, di ko muna sya bubuhatin, siguro mga 2 mins na ganon para kumalma lang din ako. tapos papadedehin ko, papalitan ko diaper nya, check ung likod baka pawis, or pupunasan ko ng cotton balls soaked in warm water mukha nya, pag di pa din tumigil, ihele na. ganyan lang mami, tapos ung hele mo, alam mo ung white noise na sound, pramis, effective sya magpakalma ng baby
Đọc thêmmommy yan po way nila ipakita na kelangan ka nya.. gutom siguro or puno na pampers nya. inaantok try mo i sayaw. o kaya naman kinakabag si baby lagay ka nang aciete manzanilla sa tyan nya. mabibili po sa drugs store or groceries store.. o kaya naman gusto mag burp.. kawawa po talaga si baby pay iyak nang iyak nai-stress sila... ikaw po kelangan ni baby need mo pa mag effort to find comfort for ur baby.. ako kasi nun pinapakiramdamn ko baby ko since nd naman nya masasabi ano need nya kaya hinahanap ko san sya ok.. God bless po mommy
Đọc thêmganyan din baby ko sis nung first month iyakin din,khit ok nmn n lht busog xa at ndi nmn puno diapher or ndi nmn inaantok,pero nung mag 2 months n xa nbawasan n pagi2ng iyakin nya,naisip ko cguro dahil wala p xang naki2ta kaya lagi xang naiyak non at nung naka2aninag na xa ndi n masyado xang umiiyak... Ngayon mag 4 months n baby ko sis,nagi2yak nlng xa pag gusto dumede at pag inaantok n,lagi xang natawa at nangiti pag kinakausap nmin xa,ang daldal n nya sobra. Kaya cheer up lng sis,mawa2la din pagi2ng iyakin ni baby,tyaga lng kaya mo yn...😊
Đọc thêmmomsh i feel you..kaka 1 month nlng ng lo ko..grabeng iyakin khit di naman gutom, plaging palit ng diaper..naglalagay na dn ako ng manzinilla iwas kabag khit pinagbawal ng pedia..iyak iyak pa dn kaya karga to the max.. naisip ko na din umuwi samin sa sobrang pagod since ntatakot si lip magkarga...at masaklap najudge pa ako ng mga in-laws na sinanay ko daw sa karga..eh ano magagawa ko plaging umiiyak..di naman pwede hayaan lng nkakaawa ang bata...plagi nlng ako pinupuna wla naman naitulong... never humawak sa bata..🙄
Đọc thêmlagi ko dn nadinig yan nasasabi sakin. pero mali po un hindi pag kuunsinti or pagsanay sa baby ang karga. ang baby po natin ang bahay nila ay tau kaya mapapansin natin si baby natigil once mahawakan na natin sila clingy talaga sila kasi tau ang home nila. 😍
Hello FTM too. Been there done that. 😭 Hindi ka nag iisa. 😢 Pero nalaman ko na, kung hindi dahil sa diaper or hindi naman gutom. Baka gusto magpakarga, gustong ihele kasi bored (kantahan at sway-sway lang) pinapatugtugan ko rin habang sinu-sway-sway siya. Tapos naaalala ko nuon sa gabi, 2-3 hours karga ko lang siya habang pinapadede (breastfeeding) at sinu sway-sway. NAKAKAPAGOD, pero okay lang basta hindi siya umiyak 😅
Đọc thêmganyan din baby ko noon 1 week pa lang sya iyakin na . Grabe puyat ko noon kasi simula 8 pm hanggang 8 am gising sya at walang tigil un iyak. Tulala na din kami ng partner ko kasi walang sawa un pagiyak nya hanggang sa may nabasa kami na may baby na kapag iyak ng iyak kahit na pinalitan na ng diaper pinadede . swaddle na wala pa din . Sinubukan namin sya bilhan ng pacifier na good for 0+ months
Đọc thêm
MOM