Normal Lang ba laki nag tiyan ko😔🤰
Ang liit nag tiyan ko di ko pa masyado ramdam baby ko 😔 3 months pregnant 🤰normal Lang ba maliit tiyan nag woworry Kasi ako parang busog Lang ako #1stimemom #advicepls


" BAKIT HINDI LUMALAKI ANG TIYAN KO DOC, 3 MONTHS NA AKONG NAGBUBUNTIS? " Ang matres (bahay bata) ay nasa loob ng ating abdominal cavity. Ito ay lumalaki depende sa kung ilang buwan na nagbubuntis ang isang babae. Karaniwan, pagkarating ng 5 buwan (20 weeks), ang matres na may baby sa loob ay umaabot na ng pusod kaya naman ito yung sinasabi na biglang laki ng tiyan. (Tingnan ang picture sa baba) Ang paglaki ng tiyan ay apektado ng abdominal fat o taba na nasa tiyan. Mas madaming abdominal fat, mas mahirap makita ang paglaki ng tiyan. Ok lang yan, Mommies. 😄 Huwag din kayo masyado kabahan pag may nagsasabi na maliit ot malaki ang tiyan niyo. Mas maganda na magpacheck-up sa inyong mga birth provider. 👆Para makasiguro, magpaultrasound para malaman kung ang timbang ni baby ay sakto sa kung ilang buwan ka na nagbubuntis. BIOMETRY O PELVIC ULTRASOUND ang tawag sa procedure na gagawin upang malaman ang estimated fetal weight ni baby. Tandaan, Mommies, LIGTAS ANG MAY TAMANG ALAM. - Doc Arbie 😄❤ CTTO
Đọc thêm