AKO LANG BA?!

Yung nakaka experience ng mga napaka insenstive na tao sa paligid???!!???? Nakikita naman nilang buntis ka pero sige yosihan ng malapit sakin or worst sa banyo!!! Everytime na nagpupunta ako sa kusina or banyo naamoy ko. Kakagigil ang tatanga eh. alam naman nilang masama sa buntis yon jusko. Ma-satisfy lang mga pleasure nila eh kahit makaperwisyo na ng iba. Tsk

19 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan na ganyan yung byenan kong lalake, nung buntis ako kahit madaling araw nagsisigarilyo sa banyo. amoy na amoy sa kwarto namin kac malapit lang hanggang sa iniuwi ko yung baby namin. Akala ko makakaramdam na, hindi pa din tlaga kaya sinabihan ko yung asawa ko na pagsabihan yung tatay nya, pati byanan kong babae sabi ko sabihan nya yung asawa nya. Hindi pa din nakinig. Gigil na gigil na ako kac hindi marunong makiramdam, pinaringgan ko ng pinaringgan.Hindi daw kac maka tae pag hindi sya nagsisigarilyo sa cr. Sabi ko, sya yung mas matanda, sya yung mas may utak, bata sa kanya ang mag aadjust, nkkahiya nman. Nagtalo pa kami ng asawa ko dahil dun kac sabi ng nanay nya lumalabas daw ang ugali ko. Dba kakagigil. Hirap pag kasama yung byanan sa iisang bubong. Hindi ko na makausap kac gigil na gigil na ako baka kung ano pang masabi ko na mas masama. Ngaun hindi na naninigarilyo.

Đọc thêm

Kung sa bahay po yan confront them & always wear mask nalang din. Kung wala silang pakialam sa health nila, sana may paki sila sa magiging epekto niyan sa baby mo. Lalo na po mabilis magkasakit daw pag preggy. Buti nalang walang nagyoyosi sa bahay namin. Pero dahil sa office meron, parati nalang akong may dalang face mask. :)

Đọc thêm

Yung partner ko naninigarilyo din pero alam nya dapat syang dumistansy saamin, kase alam nyang masama sa buntis yung usok ng sigarilyo lalo na pag magkasama kami, pero minsan hndi nya maiwasan manigarilyo kaya palagi nya akong binibigyan ng tissue para itakip ko sa ilong ko kapag nag babyahe kami.

Thành viên VIP

Naku mamsh, kailangan nyo po silang kausapin ng masinsinan about dyan. Mas delikado po yung 2nd hand smoke (usok ng sigarilyo na nalalanghap) at 3rd hand smoke (amoy ng sigarilyo na kumakapit sa mga gamit). Sobrang hindi po maganda para sa buntis, kausapin nyo po sila para kay baby.

ingat kayo ni baby sis. husband ko ganyan nung una. inis na inis ako tapos biglang lalapit saken, amoy na amoy ko pa hininga at sigarilyo. sa inis ko, inaway ko tlga sya d ko napigil kasi natatakot ako para sa baby namin. ayun kinalaunan, hindi na sya nagsmoke. buti sumunod naman.

Thành viên VIP

sabihan mo sila sis.. hindi nman ata sila iba sa inyo. sabihin moy lumayo layo kung mg yoyosi.. ganun ako d2 sa amin. magalit n ang magagalit basta nasabihan ko na. pag namn visitors ang dumating. ako n lang umiiwas or may handa ako towel para makaramdam sila.

Thành viên VIP

father q sis ganyan haha.... npka tigas ng ulo.............ako na nag aadjust... pag nag yoyosi sa loob ng bahay pumapasok ako sa kwarto or lumalabas ako ng bahay... pag naman nag yosi sa cr nag ispray ako dun ng deodorizer tas d muna ako pumapasok...

Thành viên VIP

yung hubby q nagyoyosi din , pero cmula nung nalaman namin na buntis aq sa tambayan nila sya nagyoyosi , at bagu un tumabi sakin maghihilamus at magsisipilyu un kasi alam nia masama sakin ang amoy nun,

ako po kase sinisita ko talaga at nilalapitan para naman mahiya sila. hanggang ngayon na lumabas na si baby ko. pag may pumapasok na amoy ng yosi sa amin hinahanap ko.talaga ung nagyoyosi.sabay sita

Thành viên VIP

yung hubby ko naninigarilyo din. pero pag naiinis ako tinatapon ko ung yosi nya. tas sinasabihan ko wag kang mag yoyosi sa kwarto! ayun d nmn sya nagyoyosi pag nasa kwarto kmi