31 Các câu trả lời
Nagkamanas din po ako after manganak noon. Ginawa ko po lagi po ako nagmemedyas and pajama kasi sabi nila lamig daw so sinunod ko nagmedyas at pajama ako lagi. Sobrang tiis nga ako kahit ang init init sa pakiramdam. Mawawala din po yan mga 1 week din po ako minanas noon.
Mawawala din naman po agad agad yan mamshie pahiran mo nalang muna siya ng lana / langis at mag medyas ka muna temporary hanggang sa mawala lang ung manas , ganyan kasi ginawa ko after ko manganak then tinalian ko din ng scarp ung tyan ko para mabilis na lumiit ung tyan ko .
Hi mommy! CS ka po ba? I feel you. Ganyan din po ako before. Hindi ako minanas the entire pregnancy pero after ko ma CS e magang maga ang mga legs ko. Normal lang po yan mommy as per my OB. Effect lang po sya ng anesthesia. After a week nagsubside na rin po ang manas ko.
Kain ka ng hard boiled egg pero yung egg white lang kainin mo every meal hindi kasama yung nasa gitna yan advice ng OB ko CS din ako after 4-5days nawala na manas ko :) and wag muna masyado sa maaalat na foods
Ganito pala mga CS. Di ko maalala nung sa first baby ko nun. 6yrs na kasi.
ako pinainom ako ng gamot ng OB ko kasi sinabi ko ako lang nag aalaga ng baby ko and mejo hirap ako dahil sa manas, pagkainom ko nung gamot, ihi ako nang ihi maghapon.. kinabukasan wala na manas ko
Salamat mga inay! As of now di pa dn nawawala. CS kasi ako, naglalakad lakad naman ako, and elevate my feet. Friday pa ff up check up ko sa OB ko. Paresita nlng ako pag di pa mawala.
pag nahiga ka,lagyan mo ng unan paa mo..mas maganda kung mdyo mataas..sbi ng lola ko...sinubukan ko ,3days wala na yung manas sa paa ko..cs mom poh ako.
Ingat ka mommy less kain kna kc galing aq sa ob isa yan chinecheck nila pag sbrang manas daw mahirap manganak aq kc walang manas masyado👍🏻
sabi medyo matagal daw kasi yung sa pinsan ko kakapanganak lang pero mas grumabe yung manas nya normal lang naman daw yun sabi ng OB nya
Yes ako normal delivery nagkamanas din after manganak pero nawala din sya after ilang days. Nagmedyas lang ako saka one week bago naligo
♡