Ano'ng palayaw ng baby mo sa tiyan?
Siya ba si Baby mochi? Baby Dumpling? Baby Boxer? Baby Likot? Hehe
Spartan, kasi napa lakas niya, nag survive siya ng hanggang 4 months or 15 weeks na hindi ko man lang naalagaan ng maayos. (nasa 4th month ko na kasi nalaman na buntis ako.) During those months, nag da-diet ako, fasting, exercise, & taking medicines to lower my sugar (diabetic kasi ako) Nagsisisi ako kasi late ko ng nalaman but hoping and praying na lumabas siyang healthy. currently on my 18th week.
Đọc thêmaq tnanawag q silang mga bochockoy ko or little paul at little luke kambal kc sila..pero asawa q utot at bantot kaloka 😀 utot kc ung isa kada napapautot aq nagugulat xa tpos bantot nman ung isa kc nakasiksik na ung ulo sa puson q eh malapit daw sa pempem kya bantot hahaha ay ambot
Tarzan po. Kasi dami na naming pinagdaan. hahaha. bukod sa mababa Ang matres ko kahit pinahilot ko na. lagi pang masakit. Yung sakit na parang manganganak na. pero makapit pa din siya Kaya Tarzan Ang pinangalan namin kahit d pa namin Alam gender ni baby. 26weeks preggy
Bukol . Hehehe :) 4 Months kona ksi nlaman buntis ako . Sanay ksi ako na mnsan di ako dinadatnan ng ilang buwan . tapos nakapa ko puson ko ang tigas kala ko bukol kaya nag pa checkup ako . Di pala bukol . Baby pala 💗😍 kaya Bukol tawag namin hehehe .
baby wow... tawag ng mister ko... sabi kase at may age (39) hirap na saking mag buntis ( unang pagbubuntis ko kase) kaya, wow!! nabuntis pa.. 😅😅
Butchokokoy 😍😆short for Kokoy.. yan tawag ng asawa ko sa baby namen sa tummy ko.. Butchok kasi palayaw ng asawa ko.. nung nagpakasal kame.. tinawag djn nya akong Butchakaka 😆😆.. and the rest is history ☺️😁😁
Baby tumtums ☺️ yan kasi endearment namin mag-asawa: mommy tumtums, daddy tumtums at baby tumtums. On my 35th week na. Sa awa ng Diyos di naman ako pinahirapan ng baby tumtums namin. Asawa ko lang talaga yung pasaway. 😒😂❤️
little morning 🌅 ung bunsong anak ko ang nagpangalan pero nung mga 1st months n hndi p nmin alm ang gender tinatawag n din niya n princess ung nsa tiyan ko kya happy siya ngyon n magiging kuya n sya s new baby girl nmin..
I fondly call my baby (kahit nasa tyan ko pa lang siya) Bebuh. Sometimes naman, I call it little avocalo (avocado), kasi favorite ko kainin ang avocado noong naglilihi ako. Plus, binilhan ako ng asawa ng Avocado stuff toy. ❤️
Baby Butter 🥰 yan kasi napaglihian ko. Butter cookies, butter sticks, kahit anong may butter haha. Yun lang nakakawala ng pagsusuka ko nung nga time na sobra pa yung paglilihi ko 😁