62 Các câu trả lời
Normal yan mommy dahil sa nag babago flow ng blood natin and aside from being stress sa pagbubuntis. Warm water lang po or better mag tanong din kayo sa OB ninyo how can you prevent or how can you at least lessen the breakout. Eat healthy foods or avoid too much fats/oily. Everytime na magpapawis kayo make sure to use clean face towel and once you already use all the sides of it from back to back huwag niyo na ulit gamitin para hindi bumalik yung dirt sa face.
na try ko na yung mga facial set like ryx,brilliant tomato which is safe daw sa buntis pero for me sobrang tapang nakakahilo nakakasikmura yung amoy if maselan karin magbuntis baka maranasan mo din .. mild soap kalang dove or johnson saka organic moisturizer like aloe vera soothing gel wag gagamit ng toner kahit pa alcohol free yan.
Facial wash ko is dove. 2x a day. Tapos gumamit ako ng Skin Light rejuvenating set. Wala kase syang ingredients na nakakasama sa buntis. Nawala pimples ko. Nag dry out at nag lighten ang marks. Happy ako sa result. Ayoko kase na hindi ako confident sa sarili ko lalo’t sanay akong laging nakapustura at presentable ang mukha.
Nagsilabasan din pimples ko ngayon, Sabi ni OB mild soap lang daw kaya tinry ko yung Cetaphil at Physiogel pero parang dumami. Nung nag breakout ako nung dalaga pa ko Vanicream yung nirecommend ng Derma ko, effective naman skin noon kaya itatry ko ulit medyo pricey nga lang. Pag ayaw pa rin. Tubig nalang hehe.
So Me🖐️bihira ako magka pimples. Isa Isa lng pag malapit mag red flag.😅 Pero ngaung preggy na ako naglabasan na mga 3 o 4 na.. hinahayaan ko na lng.. mabilis lng nmn kze mawala sa face ko..😁😁 Basta wag lng hawakan.. hayaan mo lng.. magsasawa din..😂
Gumagamit po ako cetaphil kasi mas safe po iyon sa mga preggy mamsh. Nag break out po kasi ako nung nabuntis ako. Di naman po ako nagkakaganto. Ngayon panay pimple marks naman. Kaya mas nakkastress pag titingin ka po sa salamin.
Ako sis. Hinahayaan ko lang wag na daw muna pahiran ng mga ointment sabi ng OB ko hilamos lang talaga. Dahil daw sa pagbabago bago ng hormones maraming changes sa body. Ang lala pa ng sakin as in buong pisngi at baba. 😅
Ako po sobrang lala. Halos buong mukha. Simula nung 2 months palang tiyan ko. Tapos natuyo naman nung nag6months. Ngayon konting marks na lang. Tiwala lang po mawawala rin sila. 😉 7months na tiyan ko. 😊
Ako sa noo maliliit lang tpos ang gamit ko lang ay jergens soap (anti-bacterial) nawawala or mas naggng konti pero hndi totally nawawala. Buntis eh ehehehe pero effective na pang-subside ng pimples ☺
Nung first trimester ko, tinadtad ako ng bongga hahaha pero hinayaan ko lang talaga. Nawala naman po noong 2nd trimester and di na uli tumubo. Sa hormones kasi yan sis hehehe