Telling the truth...
Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!
i am 32 years old. not married at di nila alam na i am seeing someone. bigla ako nabuntis pinaabot ko pa ng 2.5months bago magsabi then iregret it kasi ako din ang nahihirapan pati si baby. mommy sabihin mo asap magalit man sila aalagaan ka pa rin nila at iba ang support at pagmamahal ng family
first mag pray ka gabayan ka ni god at bigyan ka ng lakas na loob masabi s Parents mo.. second. kausapin mo na parents mo ung situation mo now. & third. ipakita mo sa parents mo at sa mga tao na kahit biglaan ka nabuntis. gagawin mo ang lahat. para maging mabuting ina. sa anak mo. 😊
Hi. Same tayo 5 weeks preggy ako. Di ko pa rin masabi sa family ko kasi ako bread winner nila. Actually 29 years old naman na ako. Medj worry lang sa magiging reaction nila. Di pa rin namin masabi sa side nung bf ko. Pray lang po tayo. 🙏🙏🙏 hopefully masabi na. ❤️
Hindi ko alam na naka-follow pala si mama sa instagram ko before akala ko hindi kaya todo post pa ko nun. Wala kasi ako samin nun nagrerent pako nun. Tapos biglang nagcomment si mama kaya ayun... Alam na this. 😂 isang taon akong di kinausap sa text, sa tawag at personal. Hahahaha
Christmas eve ko sinabi. sabi ko *wala muna akong gift sa inyo aa.. so apo at pamangkin muna* sabay tawa.. tas tumawa narin sila. akala nila biro lang. 😅 pero nagSabi akong seryoso. kaya naniwala na sila. haha 31 na ko. siguro naman okay na yung mag anak ako. 😂
Ako 22 years old nako 5 days after ng birthday ko nabuntis na ako ng live in partner ko. Hindi ako niregla nun, mother ko nag suggest na mag pt na ako. Kase may pcos ako kaya di ako mabuntis buntis ng LiP ko. Thanks god nakabuo na kme. Sa May ang due date ko 😊.
I confirmed it first with my OB, Then sinabi na namin sa parents ko and parents ni partner ko. Nakakatuwa kasi ang luwag ng pagtanggap. Up until now alaga ako both side. My partner and I are both working. And we are planning to get married next year 💛💛
me! 18 years old ako ng mabuntis ako.. hirap umamin haha! pagkatapos na pagkatapos ko magdebut nadelay na ko. pero wala e. andyan na daw e. hahaha! 11 years old na ngaun ung anak ko na un. at kapapanganak ko lng ult last feb to my bunso ❤️❤️❤️
niyakap ko lang yung mom ko then narinig niya sobrang lakas ng heartbeat ko. tinanong nya ako kung may prob ako then sinabi ko sa kanya. pinakinggan niya ko. nagulat sya pero mas nag-alala siya sakin at sa baby. kaya mo po yan. 😊
lakasan mo lng loob mo sis. Sa Una lang matatakot ka pero after mo masabi sa knila Promise sobrang gaan sa Pakiramdam. magagalit SIla oo pero sa Una lang yan. pagkakita Nila Ng Apo Nila mas SIla pa mas excited alagaan si baby