Telling the truth...
Sino po dito yon first pregnancy na biglaan na lang nabuntis ng hindi kasal. Paano nyo po nasabi at paano nyo po nasimulan sabihin sa parents nyo? Pahelp naman po. Thanks!
after school, nagpacheck up ako to confirm na buntis nga ako. then, nag usap kami ng boyfriend ko pano ba namin sasabihin sa mama ko kase kilala ko yon. magagalit talaga yon. sobra magalit yon lalo nag aaral pa ko. nung gabi na, since wala mama ko dito non, chinat ko na lang siya sabi ko may sasabihin ako. nakatunog agad siya eh hahahaha kinukulit ako ano daw ba sasabihin ko. tapos kung buntis na daw ba ako. ayon, sinabi ko na. paulit ulit pa siya na "weh?" "di nga?" tapos pano na daw studies ko. pinapapunta niya kami ng boyfriend ko kung nasan siya that time and nag usap usap kami pano na gagawin. nagulat ako kasi hindi siya nagalit. naiintindihan niya daw sitwasyon ko kasi nanggaling din daw siya don. i cried. i'm not expecting that. alam ko disappointed siya pero pinairal niya pa rin pagiging nanay niya sakin. sinabi ko sa kanya na ikeep muna namin as a secret habang wala pa kaming mauupahan. kasi for sure hindi tanggap dito samin na nabuntis ako. especially lola ko. days after, napagdesisyunan namin ni boyfie na sa kanila muna ako titira hangga't wala pang nahahanap na upahan. edi ayon, nakaalis na ko. laging nagcchat mama ko sakin kung kumain na ba ako. anong inulam ko. kamusta ako. miss na daw niya ko. a week after, bigla na lang nagchat yung kapatid ng lola ko sakin na wala na daw mama ko. kasi gustong makipagkita sakin ng mama ko pero ayoko. hindi naman sa ayaw. may araw na kaming napag usapan pero kinukulit niya pa rin ako. hindi ko alam na ayun na pala yung parang pahiwatig niya. sobrang sising sisi ako nung umuwi ako dito samin. nung nakita ko yung banner niya sa labas na may pangalan niya, feeling ko di ko na kaya pa pumasok sa loob ng bahay namin. kinakain ako ng guilt. pero sinasabi nila sakin na di ko naman daw kasalanan. but still, there's a part of me na sinisisi yung sarili. na sana nakipagkita na lang ako para hindi na nangyari sa kanya yon. sorry, i just miss my mom hehe.
Đọc thêmgot engaged nung july last year. plan namin to get married this year. kaso last year nabuntis na ako. though expected ko na din dapat un pero wala akong ka alam alam. haha ang epic pa ng pagkaka alam ko kasi nga last nov. to dec. pa luwas luwas pa kami ng manila sa pag aayos ng papers ng hubby ko. then one time, mga hapon pa lang di na maganda pakiramdam ko na nasuka ako pero onti lang naman. kala ko sa mga nakain ko lang that day. then kinaumagahan nung paluwas na kami, wala akong gana na kumain ng bfast kaya di ako kumain at umalis na kami, otw to manila dun ako nag susuka while he's driving. buti nalang di kami commute that time and ndi coding, kaya naka suka ako ng bongga. kaso nanlata ako kasi halos every hr. nag susuka ako. kala ko may ulcer na ko kasi sanay ako di talaga mag almusal. kinagabihan nung wala pa din tigil pag susuka ka, nagpa tawas pa kami and nag pa laway na ko sa lahat ng kamag anak ni hubby, baka kasi nabati lang ako or something. nun di na ko naka tiis kasi akala ko ulcer na nga. 12midnight nag pa dala na ko sa ospital, ok naman lahat saken, negative sa ulcer and anything, positive sa urine. 😂 naka hinga ako ng maluwag nung sinabi na wala ako ulcer kasi takot nga ko magkaron nun pero nung sinabi na positive ako na buntis, para akong loka na mag ssmile na lang bigla. haha that time kasi kasama namin father ng hubby ko saka pinsan nya. sila mga unang naka alam na buntis ako. ung hubby di malaman gagawin nung sinabi ko un, natutuwa na gustong tumalon kaso nag ddrive sya kaya dinaan ako sa pang aasar na tama nga daw sya. haha 😂 ang epic kasi di ko man lang naranasan mag pt. pero blessing kasi nasa right age naman na kami, and after that. namanhikan agad sila samin. so blessed lang sa feeling. and at the same time excited na kinakabahan. 1st time mom kasi. pero i know God will guide me and my baby. 18weeks na ko ngayon. 🙏🏻❤️
Đọc thêmAko po. Nalaman kong preggy ako, 1 week after ilibing ng mama ko. I was supposed to have my menstruation nun pero 1 week akong delay and ayun napaPT ako, positive. To confirm nagpacheck up din ako. I was 6 weeks pregnant during that time. Hindi ko alam mararamdaman ko nun kasi kakawala lang ng Mother ko and then may dumating. So sabi namin ng partner ko, baka binigay to ni Lord kapalit ng Mama ko hehe. Nalaman ng pamilya ko and kahit nadisappoint sila, tinanggap nila kasi wala nang magagawa andyan na eh. Take note, sobrang strict ng lola ko kaya sobrang kabado kami ipaalam. We are legal naman on both sides and okay naman sa family. Nakapagtapos na rin and nagwowork. Sa family nya walang naging problem kasi gusto na talaga nila magkaapo 😂 Pag usapan nyo agad ng partner nyo mga plans nyo para sa baby and para sa inyo (syempre para makita ng parents nyo na ready kayo to take the responsibility) and I suggest na sabihin nyo kaagad mamshie kahit mahirap kasi di nyo naman matatago yan. Masasaktan nyo talaga parents nyo pero at the end of the day, matatanggap din nila yan and sila pa mas excited sayo manganak 😊Masarap din sa feeling na hindi tinatago pagbubuntis. Pag tanggap na ng family nyo, dedma ka na sa mga chismosa lol basta provide the best life para sa anak nyo para kahit ichismis, ganda ganda lang ganern. Kaya nyo yan mamsh!
Đọc thêmDi naman ako nagulat nung nadelay ako, ayoko lang talaga umasa kasi nasasaktan ako, hinintay ko lang matapus yung month if ever di ako datnan mag ppt ako. Kaya yun, I got my 1st pt 2 lines pero im not sire kasi malabo yung isa kaya after 3 days I try another pt and yun super clear na 2 lines talaga din after another 3 days nag pt ulit ako to confirm na talaga din when I got another +. I decided to tell my bf din we decided to see an ob para alam namin if totoo ba talaga and din if ok ang location niya at status niya. Confirm Oct.5, 2020 5 weeks and 1 day ako. Kinkabahan pa ako sa bahay nun baka mahalata nila tulog ng tulog lang ako and di kami sanany mag breakfast pero namansin nila nagluluto na ako ng breakfast kasi gutom na talaga ako pagkagising. While watching tv din parang about marriage yung topic sa drama yung papa ko nagsabi ako daw when ako mag aasa ehh 29 na daw ako and parang may napapansin daw siya saakin kaya i grab the oppurtunity i ask him na pwde ba if ever civil wed muna at sabi niya bakit daw may plano na ba daw ako with my bf sabi ko yes kasi buntis na ako 1 month na kaya yun siya na nagsabi sa mama ko din they ask me to let my bf come with the family to talk about it. Dec. 10 nagpacivil na kami din now 7 months na ako hoping to see our baby boy sooner
Đọc thêmYoungest ako sa fam namin, 4th child to be honest. Wala pa talaga sa plan ko magka anak kasi 26 pako. Gusto ko muna ienjoy yung buhay ko na as a dalaga. Ako yung tipo na after 3 months ako datnan ng period. Pero nung lumagpas na ng 4 months, dun nako nag worry. Kala ko kasi na PCOS talaga 😢 kaya nagpa check up agad ako kasama ko si bf sa isang OB at dun namin nalaman na preggy na pala ako. Sobrang shocked ko pa nun kasi ayaw pa mag sink in sa utak ko na may baby na sa tiyan ko. Umiyak pako nun kasi sobrang kaba ko. Pano ko sasabihin kila papa to. Ayoko atakihin sila sa puso kasi above 60 na yung mga edad nila. Una, chinat ko sila sa fb. Tas ang last part ng message ko, "chat nyo lang ako pag ok na kayo. Takot ako na atakihin kayo sa puso". Tas nag reply agad si mama ko sabi, "ok lang yan nak. Nasa tamang edad ka na din naman". Dun ako umiyak lalo. Tas yun tumawag ako agad at hindi ko iniexpect na tanggap nila yung nangayri sakin. At ngayon, excited na sila sa unang apo na lalaki nila. 💞 Alam ko na hindi easy, pero dahandahahin mo yung pagsabi sa kanila. Matatanggap din nila yun. =)
Đọc thêm20 years old lang po ako at ang naging bf ko is 30 yrs old. First 3 months namin akala namin nakabuo na kame kaya nagsabi nako sa mama ko then false alarm pala nalungkot sya kase want nya na magkababy e sabi ko baka hindi pa talaga para satin kase graduating din ako ng college at gusto kopa maranasan muna ang mag work after makagrad. Kaso eto palang bf ko na kalived in kona is gusto talaga na makasama na ako which is gusto ko rin kaso naniniwala ako sa right timing e. Nabuntis ako 6 months nankami non then sinabi kona sa mama ko nung una ayoko iwan mama ko mahal na mahal ko mama ko pero nag insist na si mama na sumama ako dahil madami din kame alagang aso e bawal ako sa mga balahibo baka daw maging hikain anak ko kaya ngayon nagsasama na kame 3 months na tummy ko pero di pa kame kasal preferred kase namin wag muna ikasal kase may petition sya sa california at kukuhanin sya ng kapatid nyang babae
Đọc thêmMaraming salamat po sa question na to. Kaso kasalukuyan pong kailangan ko ng ganitong pampalalas ng loob. mag3mos na si baby ko pero di ko padin nasabi sa tatay ko. Pero alam naman ng nanay at kapatid ko. Kaso tatay ko, alam ko na magwawala yun dahil ayaw na ayaw niya sa bf ko. 25years old na ko. Di ko alam paano, kelan, ano ang sasabihin ko. Pero handa ako kung sakaling iiwan niya kami, kasi dati niya pa yun sinasabi samin nila nanay, na iiwan niya kami. or papalayasin niya ako, o di niya tatanggapin tatay ng anak ko. sobrang daming kong naiisip na pwedeng mangyare, sabi ko nalang sa sarili ko na, expect the worst nalang para di na ko masasaktan at mabibigla kung ganun ang mangyayare. mabibigla pa ko kung matatanggap niya kami, kasi yun ay imposible talagang mangyare. Isama niyo po ako sa prayers niyo, at muli, salamat po sa poll na tayo. GOD BLESS US ALL.
Đọc thêm2 months na akong pregnant nung nasabi ko. Nagchat lang ako sa nanay ko na pupunta sa bahay namin ang pamilya ng bf ko kinabukasan. Hindi ko diretso nasabi na buntis ako. Kaya nagchat sya sa bf ko, yung bf ko na nagsabi na buntis ako. Yung tatay ko nalaman lang na buntis ako nung araw na pupunta dito sa bahay yung pamilya ng bf ko para mamanhikan, namura ako ng isang beses sa telepono para daw syang binuhusan ng malamig na tubig at nanghina bigla. Umiyak ako pero okay naman no regrets. Natanggap naman ng nanay at tatay ko kasi nadito na si baby. Tsaka graduate na ako at nakapasa sa board medyo nasa tamang edad na, 22 yrs old pero minsan isip bata pa rin. Ngayon, nadito ako sa bahay namin. Wala namang nagbago sa turing nila sakin katulad pa rin ng dati. Siguro kasi nag iisa akong anak na babae. Hindi kami nagsasama ng bf ko. Kasi nasa malayo rin naman sya minsan lang umuwe.
Đọc thêmako nung nalaman ko sa Ob na buntis ako even though nabuntis ako sa isang one night stand, unang una kong sinabihan yung nanay ko tapus kinabukasan sinabi na namin sa tatay ko sympre sa una nagalit sila kasi hindi nila akalain na mabubuntis ako tapus walang tatayong ama, alam ko na disappointed sila sakin sobra.. pero Sabi nang tatay ko walang kinalaman yung munting anghel SA ginawa ko pag tutulungan na lang daw naming lahat pag papalaki sa baby eto ngayon awa ni lord mag 1 year old na si baby healthy sya at gwapo 😍😍 by the way I have pcos kaya medyo late na nung nalaman namin na buntis pala ako.. Kaya sis kung ako sayo sabihin mo agad sa parents mo para mas gumaan pakiramdam mo at magiging masaya ang pregnancy journey mo.. maintindihan nila yan promise lalu na blessings yan😊😊
Đọc thêmAko namn bago pako nabuntis is nagsasama na kami ng boyfriend ko for almost 2yrs hehe tas this yr binigyan kami ni lord ng baby hehe 23weeks na sya 😍 Nung December pumunta ako dito kela mama sa manila tapos bigla akong hindi niregla which is hinayaan kulang gang umabot ng april tas never ako nag pt , bigla lang ako nagcrave ng kung ano anong food tas naging maselan pang amoy ko sa mantika na piniprituhan ng fried chix . Last month kulang na confirm na buntis ako diretso ultrasound ayun sabi ng ob 18weeks and 3days na si baby sobrang shock ako hehe ang saya lang .. family ko at boyfriend ko una nakaalam na buntis ako pinakita ko ultrasound ko kasi that day alam nila na magpapacheck up ako at todo alaga sila sakin ngayon hehehe spoiled brat ang peg ko dito sa bahay 🤣🤣🤣😂
Đọc thêm