Me. Induced labor for 72 hours po noong 38 weeks and 3 days pregnant ako. Follow up check up ko lang dapat pero inadmit na ko dahil sa pre-eclampsia. Candidate for CS talaga ako dahil sa cephalopelvic disproportion or maliit yung pelvic bone ko at may tendency na hindi magkasya si baby. Pero pinag trial labor ako ni OB dahil maliit lang si baby baka may chance na successful ang pag induce sakin. Lalagyan ka lang ng swero mommy tapos doon ipapadaan yung gamot. First few hours is okay lang pero habang tumatagal is pasakit ng pasakit. More than 48 hours na ko nag in between 2-3 minutes na lang ang interval ng hilab pero walang progress. Floating si baby, hindi makababa kahit active labor na ako. Pinrick na rin panubigan ko pero di pa rin bumababa si baby. May mga ininsert na rin sa pem ko na gamot na worth 1-2 k kada piraso pero wala talaga. Ilang antibiotics na rin nilagay sa swero ko at nakailang gamot ako ng oxytocin at IV fluid pero wala pa rin. Andun yung hourly IE at monitoring ng BP at heartbeat. Nag above normal na hb ni baby at nilagnat na ako kaya emergency CS na ako. Hindi naman lahat ng naiinduce, naeemergency CS. Malaki pa rin po ang chance na manormal delivery kung wala namang problema. 😊
sobra sakit po pero worth it dahil nainormal ko c baby .. sa case ko 25 hours ako naglabor .. pero ung nilagyan ako ng swero .. mga 4 hours lang po lumabas na c baby .. sobra sakit nya lalo na malapit na tlga lumabas c baby ..