RELIGION ISSUES

Sino po dito ang INC dati tapos nakapangasawa ng catholic? Pumayag poba kayo na pa binyagan sa church ng catholic ang babies nyo. Nag woworry ako e. Ok lang naman sa akin na pabinyagan kahit inc ako dati. Kaso itatakwil daw ako ng mga pamilya kong inc. Ano po ba ang importance ng binyag sa mga catholic? Dapat poba talaga binyagan? Or hindi poba enough na ipag pray nalang si baby pag ganitong may conflict sa religion. Sorry wala ako idea sa binyagan ng catholic. ty po. #RESPECT

31 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nasa pag uusap po kasi yan, depende kung sino po sainyo mag gigive way.. kasi dapat talaga may isang susunod sainyo para magkasundo kayo. Pero may mga cases naman po na wala talagang nag adjust like nirespeto nalang yung isa't isa.. yung sa baby naman po yun nga nasa pag uusap nyo yan kung papabinyagan po sa catholic o hindi. Kami nga po mas mahirap sitwasyon eh, kasi yung partner ko talagang di pwede mag adjust kasi religious tlaga sila masyado.. Islam sya, ako catholic. Regarding sa kasal, pumayag ako na mag balik islam. Yung sa baby naman namin icoconsider kong Islam baby namin pagkapanganak ko yun iindicate namin sa b/c niya. Pero dahil talaga namang catholic ako napag usapan namin na papabinyagan ko pa rin si baby sa catholic,. Labag sa loob nya alam ko pero sabi nya sakin bahala daw ako. So nsa pag uusap naman po yan. Saka depende kay baby pag laki niya kung ano gusto nya.

Đọc thêm

Hi! INC member here, Handog ako, pero dahil sa kasalanan na nauna kong mabuntis kesa nagpakasal ay matitiwalag sa INC, pero alam mo po? Kung talagang INC ka, napag aralan mo po yung about dyan, hindi ako against na pabinyagan mo ung bata, but you need to choose between your membership inside the church and your husband/LIP Ako kasi kahit matitiwalag, inisip ko na magbabalik ako, why? kasi naintindihan ko at mas nagliwanag sakin lahat ng aral ngayon. I already choose to be an Active Member ulit, than magpakasal sa tatay ng anak ko na hindi na INC member pero its your decision pa din po, kasi alam mo na yung tama at mali

Đọc thêm

Lip ko foreigner walang religion. Pag tinatanong ako ng mga kaibigan ko kelan binyag ni baby kasi gusto nila mag ninang, sinasabi ko agad hindi ko alam kasi walang relihiyon ang tatay. Hindi rin katoliko ang pamilya ko at di ako nabinyagan. Pero nung nag working student ako nung high school, pinabinyagan ako ng guardian parents ko sa Catholic. So katoliko na ako. Pero nagsisimba din naman ako sa ibang mga simbahan. Kasi mga pinsan ko or kaibigan ko iba iba ang religion. Born Again, Oneway, Jesus is Lord. Pag inimbita nila ako, no big deal sa akin. Iisa lang naman ang Panginoon. Pero syempre pinipili ko din kung saan ako magsisimba.

Đọc thêm
Thành viên VIP

INC po ako. Natwalag before dahil sa pagaasawa ng hindi kapatid. Pero patuloy pa din ako nagpanata at sumasamba sa ibang lokal. Awa ng Ama, mismong asawa ko na nagpaduktrina at nagpaconvert. Nabalik ako sa talaan agad agad. Tungkol sa tanong mo sis, ang binyag kultura na ng mga kapatid nating Catholic, pero sa INC po "paghahandog" po ang tawag. Ipapanalangin na maging maayos ang sanggol hanggang sa kanyang paglaki at pwede na sya duktrinahan at mabautismuhan. Ako po nabinyagan ako sa Catholic dati kasi po palaking lola po ako na catholic po, pero naihandog din po ako ng mama at papa ko po sa kapilya.

Đọc thêm
4y trước

Hello po. Ganyan din po nangyari sa akin kya po ako ntwalag dti pro hindi po dhil sa nabuntis po ako. Ikinasal po km sa huwes. Knausap ko po ang maytungkulin sa lokal nmin at pti na din po destinado ng lokal para po humingi ng payo tungkol dun.

Sa pag kakaalam ko po titiwalag po dapat yung inc pagnakapag relasyon sa catholic or other church.. or aanib po sa inc yung karelasyon na iba yung relihiyon.. sa case kasi ng friend ko inc siya kapos yung nka buntis sa kanya is catholic.. tapos nung malaman ng ministro nila pinapili siya titiwalag siya or aanib yung nka buntis sa kanya..yung nangyari po hindi na siya nagsisimba ng inc kasi patago silang nagpakasal sa catholic church xa catholic din bininyagan anak nila. hindi ko lng alam if active silang mag asawa sa catholic..

Đọc thêm

INC ako dati and natiwalag dahil sa asawa ko. Kahit natanggal ako, ayoko na pabinyagan ang anak ko sa Catholic. Ngayon, nagpaconvert na asawa ko sa INC and masaya na kami. Sis kung naisapuso nyo po yung doktrina hinding hindi okay sayo ang magpabinyag sa Catholic. I was not perfect marami akong naging kasalanang malalaki pero nananatili akong may paniniwala sa doktrina.

Đọc thêm

Alam mo kapatid. Masarap ang dinuguan Pero seryosong usapan. Bakit ka maniniwala sa isang relihiyon na itatakwil ka dahil.nag mahal ka ng hindi mo ka relihiyon. For example pag catholic dka itatakwil pag nag born again ka or nag Inc ka. Pabinyagan mo baby mo sa Inc at catholic para everybody happy. Pero importante naman kasi yung kayong 3 ng baby mo at asawa mo nagkakaintindihan.

Đọc thêm
5y trước

True!

Im also inc member (convert) 5 mos preggy here and my hubby is catholic. I talked about baptism with my hubby na kung pwde hndi nalang ipabnyag si baby dhil nga sa hndi ako catholic. Pumayag naman po siya. Pg usapan niyo nalang mbuti sis. Kung gsto tlga ng family niya ipabnyag, sainyo mg asawa prin desisyon kse anak niyo yan hndi naman sa kanila :)

Đọc thêm

Same here.. Sa case ko naman chinese napangasawa ko and buddhist sila.. and ako born again (convert).. Napag kasunduan na ipa baptise si baby kasabay na ng bday nya.. For legal documents din kasi ang baptismal cert (not sure).. Sa part ko naman ang hirap na ako naniniwala kay God and sila kay Buddha. Worry ko baka ma confuse si baby pag lumaki na sya.

Đọc thêm

Hello, same with my sis. Pero pumayag nalang sya pabinyagan ang baby kase kapag may nangyaring masama sya ang sisisihin kase di nya pinabinyagan. Walang pumuntang mga kamag anak nyang inc pero atleast may peace of mind sya dun sa baby. Importante sa mga catholics ng binyag, yung baptismal certfificate for example is one of babies' legal documents.

Đọc thêm