Family issue

Should I still fight for my family? I just found out na niloloko pala ako ng partner ko, for almost a year. I agreed sa mutual convo. Kasi yung baby namin 1 year and 3 months palang. One time nag try ako matulog sa kanila pero diko matake nagkakapikunan kami dahil di ako makamoveon sa nangyare. Paulit ulit ako parang sirang plaka- umabot sa physical na pag aaway, almost 2 weeks na after nung away na yon di kami nag uusap at all wala nading pangangamusta sa baby. Should I talk to him na mag let go ako sa nangyare and move forward para mabuo yung family namin? Am I being fair? To my baby? And also to myself?

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Tanong momshie.Kaya mo Po ba Ngayon na Wala siya?..or andun parin ung like mo makasama siya?..or like mo Po maging ok kayo for baby?..how about you Po momshie..Honest feeling??? Kc Minsan pag nsa peak tayo Ng emosyon puro negative and hiwalayan Ang nakikita natin na solusyon.I've been there momshie siya nagloko lang cguro Ng Loko nuong mag jowa pa kmi hehe and Hindi ako makamove on nuon khit magasawa na kmi and always hiwalayan Ang naiisip ko.. pero un ba tlga Ang solusyon?..still ba now nangbabae siya?baka Naman ngbago na pero Hindi natin Makita ung pagbabago niya kc naiisip natin ung ginawa niya?..baka Naman Wala na siyang ginagawa pero dahil sa iniisip natin at umiinit ulo natin kaya Ng kakaaway..baka tayo Hindi maka move on kaya Hindi na natin Makita effort..Kung nag effort Naman Ng bago at d na nagbabae bat dmo bigyan Ng chance and pag binigyan Ng chance dapat Hindi na din binabalikan Ang tapos na kc tapos na huwag na tayong mamuhay sa past kc pag mamuhay tayo dun nagkakaroon Ng away..Hindi siya madali momshie NASA process siya..Ang ginawa ko lang tlga nuon is nag pray 🙏🙏🙏🙏pray lang ako Ng pray na iguide ako ni Lord..at magbago Ang hubby ko nuon and ngfocus lang din ako Kay Lord nuon..and Praise God Nung ngfocus ako sknya siya na gumawa Ng paraan para magbago ung aswa ko...For me kc Wala Naman perpektong asawa..lht Ng tao ngkakamali..ibat Iba lang na klase Ng pagkakamali..Minsan kc ineexpect natin na perpekto cla pero Hindi..darating tlga ung time na sasaktan at sasaktan tyo Ng mahal natin..kaya always Pray lang tlga Ang key at ung relationship sa Panginoon..para khit saktan tayo ulit Hindi na tayo gnun magreact.....pero un lang Nung ngfocus ako Kay Lord siya tlga umayos sa asawa ko.totally siya mismo nangtigil sa bisyo niya alak,sigarilyo and ung mga babae siya na mismo umiwas..Walang impossible na magbabago din hubby mo..Keep on praying momshie..ilang years din bago Ng bago Ang hubby ko pero Hindi ako tumigil mag pray..Hanggang answered prayer nga..

Đọc thêm

naranasan ko din yan sis.pero nung nalaman ko nakipaghiwalay ako.at that time yung sarili ko ang inisip ko hindi yung mga anak ko.talagang matigas ako nun sa desisyon ko.walang pwedeng magpabago ng isip ko.nag ofw kasi yung partner ko at kung kelan ilang months na lang na pauwi sya dun pa sya natukso.until dumating yung birthday ng bunso ko at that time.at ang birthday wish nya "sana mabuo na ulit kami".sobrang tumalab sakin yung wish ng anak ko.pero dahil mapride ako hindi ako nakipagbalikan.ang katwiran ko hindi ko deserve yung ginawa nya sa lahat ng sakripisyo ko binalewala nya ng dahil lang sa panandaliang saya.nag ofw sya at nag ofw din ako.pinakita at pinaramdam ko sa kanya na kaya ko kahit wala sya.nagkaroon sya ng ibang karelasyon nung wala na kami.ako naman ayaw ko sumubok dahil ayaw ko sumama loob ng mga anak ko sakin.dec 2020 umuwi sya dahil namatay yung tatay nya.may 2021 umuwi ako.nung umuwi ako nakita ko na sobrang wasted nya.walang direksyon ang buhay.kapag pumupunta sya sa bahay namin masaya ang mga anak ko.yung saya na di ko kayang ibigay ng ako lang.humingi naman sya ng tawad.at alang-ala sa mga anak ko binigyan ko ng last chance.alam nya na kapag binalewala nya yun,hinding hindi na ko makikipagbalikan sa kanya.masaya yung mga anak ko na buo kami.kinalimutan ko din yung mga nagawa nya.never kong binuksan yun topic tungkol dun.kumapit din ako kay Lord na bigyan ako ng lakas para makayanan ko at pinagdadasal ko palagi na manatiling buo ang pamilya namin.may pagtitiwala,tapat at pagmamahalan.

Đọc thêm

kung ako lang momsh , hiwalayan ko na yan lalaking yan. kac yun pangloloko nya d na yan mawala wala sa isip mo eh ! maging paranoid ka na nya sa tuwing mag sesex kayo maalala mo kung paano cla nag sesex o nasasarapan ba yun partner mo sa ginawa nla pa ulit² mo yan maiisip, kung hindi mo man isipin sadyang mag sisink in yan sa utak mo . yan ang palagi nalang laman ng away nyo hanggang sa mawalan kayo ng time sa baby nyo dahil dyan. hanggang sa gusto mo ng gumanti , which is foal kc kawawa yun baby if i were you momsh hiwalayan mo na lang at c baby isipin mo. if gusto mubalik yun partner mo and he threat to kill him self kung lalayo ka ibig sabihin yan magbabago na yun tao. pero pag hindi or pakawala ka nya ibig sabihin , baliwala ka sa kanya pag nangyari yan move on ka nalang wag mong pag hihinayanga ang isang relasyun kong ikaw nalang yun nag hold.

Đọc thêm
3y trước

maging matatag ka momsh sa salitang hiwalayan masakit yan eh !! kung nag alala ka paano mo buhayin c baby kapag makipag hiwalay ka or saan ka kukuha ng pera ? Cguro naman momsh may kamag anak ka or magulang ka , pabantayan mo muna sa kanila at mag laan karin ng time sa anak mo . Wag kang marter para sa baby mo bakit ikaw lang ba yun single mom sa mundo ? Wag kang mawalang ng pag asa nandiyan naman yun baby mo cya ang tunay na magmamahal sayo.

Thành viên VIP

take time to heal. masakit oo.. at hndi ganun kabilis at kadaling mgptawad hnggat nrrmdaman mo yung sakit. timbangin mong maigi.. mas mhalaga ba siya kesa sa nrrmdaman mo? kaya mo ba n totally mwala n sia sau? about sa baby, pwede pa nmn din kaung mging mbuting mgulang parehas khit hwalay n kau kung iwwork out nio ang relationship nio.. not as lovers kundi as parents ng anak nio.. pag medyo ok kna, at sa tingin mo. eh kaya mo ng kumalma, wlang mali kahit ikw mismo ang mag initiate n mag usap kau.. bsta make sure na kalmado ka nung time n yun at mangako ka sa srili mo n anu't anuman ang pag uusapan nio eh mgging kalmado ka.. wlang bagay n hindi nkkuha sa maayos na usapan. pray ka lang din always at hilingin mo ky God ang peace of mind and peace at heart.

Đọc thêm

sya yung may kasalanan kaya dapat ipakita nyang kaya nyang magbago, magpakumbaba, iintindihin ka at gagawin ang lahat para mapanatag ka at para maging maayos kayong dalawa. may effort ba sya momsh? tapos momsh dapat open kadin. masakit pa yan, talagang magagalit ka pero kasi kung di ka din magmumove on sa pangyayari, pano mo ipaglalaban yung family nyo na mabuo? kung ipaglalaban mo need mo yung acceptance na niloko ka nya. and yung present at future ang pag usapan nyo. nasa sayo momsh. minsan kasi kelangan lang natin makita yung effort ng lalaki. pero kung anjan yung effort pero tayo yung di makamove on, mag aaway lang talaga kayo. mas lalo pag wala syang effort. tapos di kadin makalimot. in the end stuck kayo sa pag aaway, kawawa si baby.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pag usapang mag asawa mahirap mag desisyon ng pabigla bigla . Kc May baby na mahihirapan . but opinion ko lang naman to momshie depende kc sa sitwasyon .Di lang ikaw na kakaranas nyan actually halos lahat ng babae kahit kasal na nagagawa pa din ng lalaking mag loko. Pero hangat ikaw ang Inuuwian at ginagawa nya pa din yung responsibilidad nya bilang father ng baby mo /suporta wag agad e let go … Di lang kc tungkol sa inyong dalawa yan May batang madadamay .Alam kong mahirap tanggapin na ganun ang mas magandang gawin muna fucos ka na lang muna sa sarili mo at sa baby mo .pagdasal mo din wag mo na din munang awayin pagnatauhan yan babalik yan sayo ..at kung mahalaga talaga yung pamilya nya magbabago yan kusa.

Đọc thêm

mas okay parin po yung buo ang family. si God nga po nakakapagpatawad ano pa tayong tao lang. mag usap po kayo ng maayos. kung mangangako syang magiging responsible sya at magiging tapat sau, bigyan mo po ng chance. nasa sa kanya na yun kung sasayangin nya yung second chance na ibibigay mo. minsan yung pride or galit pwede mo yan isantabi kung mas lamang yung pagmamahal mo sa isang tao. hindi naman katangahan yun lalo na may anak po kayo. ito po ay opinion ko lang. wala ako sa posisyon mag advice sau kasi hindi ko pa po naranasan yan and wala din kaming anak ng asawa ko.

Đọc thêm

Hiwalayan mo na po.. Kasi kung tlgang importante kayu dapat sinuyo ka nia... Yung mag effort sya na mapatawad mo sya dahil sya naman ang may mali... Pero hnd e.. Kaya nia kayung tiisin.. Parang pati si lo tuloy wala dn halaga sa knya kasi bakit kaya niang tiisin na d kumustahin man lng.. O puntahan para makita... Mas maganda na ang d buo ang pamilya kaysa nag i stay ka relasyon na d na healthy.. Mas d maganda lumaki ang bata na ang nakikita nia habang lumalaki sya is ung pag aaway nyo at ang pambabae ng ama nia..

Đọc thêm

He should make an effort if he really wants to keep you both. Kasi kung kaya ka niyang tiisin ng ilang linggo, I think you have to let go. Ikaw na niloko ikaw pa kailangan mag adjust? Hindi ba niya alam na being cheated is like fighting your own demons every day asking why? (been there mommy) And yung mental health ko jusko till now nababaliw pa ako sa nangyari. I even go to the point na I want to end my life because my partner is cheating on me even though may anak na kami.

Đọc thêm
Influencer của TAP

ang manloloko ay manloloko .. niluko k nga kht complete family na kau .. what if madagdagan p babies nyo tapus mag luko po ulit .. ede kw po kawawa mi .. kung mag babago man xa .. sana xa una mkipag aus sa inyo .. xa ang lalaki at xa my kasalanan .. dapat ganun ung mind set .. kung mahal k/kau ng bb mo d nya dapat kau tinitiis .. ganyan ang pamilya dapat pinaglalaban hindi kinakalimutan☺️

Đọc thêm