Sana all no more 😊

Sharing my story. EDD: Dec. 26 2020 DOB: Dec. 19,2020 2.9k via normal delivery Isa din ako sa nakikisana all pag may nakikita ko na post na katulad ko na kabuwanan na at nanganak na. Dec 18 ng gabi bago matulog nagpalagay pa ko sa asawa ko ng primrose 2, Tapos mga bandang 1:50 am ng dec. 19 may nararamdaman ako na nalabas sa pwerta ko akala ko yung oil lang yun. Mga 1:56 bumangon ako para mag cr pagtayong tayo ko palang ang dami ng nalabas na tubig sakin pero deretcho cr pa din ako. Pagkaihi ko may sumasabay na tubig bukod sa ihi na di ko mapigilan yun pala pumutok na panubigan ko pero no sign of labor pa din. 2:00am Nagpunta na kami sa pag aanakan ko tinurukan ako ng swero, pag ie sakin 3 to 4 cm palang daw. Wait pa kami ng labor o kung madadagdagan cm ko mga bandang 2 ng hapon pag ie sakin ng ob ko 4 to 5cm palang daw ako pero may pain na ko nararamdaman pero tolerable pa naman sya. Sabi sakin ng ob ko pag still no progress pa din daw ng cm ko hanggang 5pm iCs nya na daw ako, ako itong na shock kase wala kaming budget pang cs. Kaya kami ng asawa ko pray agad na sana manormal lang tapos panay kausap kay baby na lumabas na sya. Mga bandang 6pm nakaramdam na ko ng unbearable pain pag ka ie sakin 6 cm na daw atleast nag progress na pumunta yung ob ko sa kwarto sabi nya inaantay nya nalang daw ako kase atleast nadagdagan ng cm. 7pm na nakaramdam na ko ng pain na sobrang sakit na di ko alam kong anong gagawin ko tapos mayat maya na sya sabi ko sa asawa ko sabihin sa mga stuff na di ko na kaya yung sakit pag ie sakin nandyan na daw yung ulo konting tiis nalang daw. 8:20pm di ko na talaga kaya, kase second nalang yung pagitan ng sakit, tapos yung damit ng asawa ko masisira ko na sa sobrang hawak kase di ko talaga kaya yung sakit. IE ulit almost there na daw sabi pinalipat na ko sa delivery room. Sinabihan na ko ng gagawin at tamang pagire at sa awa ng Diyos at tulong ng mga family and friends for the prayers 8:50 baby's out na. Hoooo akala ko di ko kaya, kakayanin ko pala. Kaya sa mga new preggy mommy's dyan kaya nyo yan pray lang at tiwala kay Lord. Makakaraos din kayo. Meet Althea Reign Sanchez 😍❤

53 Các câu trả lời

Wow congratulations momshy hopefully and prayerfully makayanan ko din ang first time na manganak. Sana din normal🙏 Second trimester palang ako pero iniisip ko na pagdating ng panganganak ko😅

Thanks for sharing your experience. Kahit papano nagkalakas ng loob din ako lalo nat ilang days nalang duedate ko na. Thank you momshie. Godbless sayung baby ❤

Goodluck mommy kayang kaya mo yan 😊

congrats po natutuwa aq pag ganito nababasa ko lalo nakaka lakas ng loob... lalo sa mga first time mommy 😊😊😊

salamat mommy 😊😇 kakayanin para kay bby at para sa daddy nya 😊 kaya dapat be strong aq

sana all tlaga edd ko dec. 30 pero wala pa akong nararamdaman kahit ano😔 anyway congrats mommy👏👏👏

okay lng yan. ung sakin nga umabot ng 41 weeks e. 🤣

same po tayo mommy ganyan din nangyari sakin last dec 22 and by the grace of God nailabas ko sya

Congrats mommy 😊thanks God nakaraos na tayo sa katakot takot na labor hihihi 😁

Galing :) Thank God nanormal mommy. Congratulations and God bless sainyo ni baby 🙏❤️

Congrats momsh. Ung primrose gel ba ilalagay syang buo sa pwerta or bubutasin pa ?

Salamat po

Magkabirthday sila ni baby ko 😁😇 Congrats mommy. 😊

Sana all nakaraos na . ako 40 weeks and 5days na no sign of labor

ano po sabi ng ng ob nyo? 40days na rin ako no sign of labor din..

super pretty ni baby😍❤️congrats po

beautiful 💕 baby

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan