12 Các câu trả lời
Give salinase as needed po. Ganan din si baby nung mga unang buwan, naririnig mo na barado pero wala naman sipon. Clear din dibdib at likod nya. Salinase lang nireseta samin. Ngayon 3 months na si baby wala na kong naririnig na barado. Sabi ni pedia pwede din daw dahil maliit pa yung daanan ng hangin sa nose nila kaya ganun.
humidifier lagyan mo lang ng salt , wag nyo po lagyan ng essential oil as in salt lang. Tapos spray salinase sa ilong ni baby. at magpaaraw mi. Ganyan din po LO ko, lagi kami nabalik sa pedia puro resita ng gamot. Etong huli ganyan ginawa ko, mas ginhawa na si lo.
gamit ka ng nose frida nasal aspirator para makahelp kay baby sa paghinga. lagi mo din imassage body ni baby and yung likod ng tenga lagyan mo ng oil himasin mo up and down nakakatulong yun para mapalambot yung possible sipon ni baby
ako kagagaling ko lang sa pedia din dahil naman sa halak Kasi nag aalala ako clear naman daw lungs ni baby and okay na okay sa ilong daw un bale kapag barado daw patakan ko ung salinase na binigay
nag spray po ako ng salinase so far ok na naman pero meron pa rin po.history naman po ng allergies ung asawa ko allergy sa seafood pati ung panganay ko po
Try mo mag humidifier sa kwarto where natutulog si baby. Mixture of salt and water yung ilagay mo. Then slice an onion tapos lagay mo lang din sa kwarto.
Pwede ka mii pa recommend sa pedia ng mucus spray pang baby if walang natulo na sipon para lumambot at maka hinga ng maayos si baby.
try mo nasal spray,yan ang gamit ko sa anak ko na may allergic rhinitis. pero wala ba kayong history ng allergy?
use salinase drops and always make sure na malinis ang paligid, pillows, linens kasi pwedeng allergy yan.
Tinignan niyo po ba ang ilong baka may kulangot or sipon sa loob.