22 Các câu trả lời
Use this app as an outlet po kommy lalo na kung feling o mag isa ka lang at walang mapagsabihan. Buntis o may baby na pinagdadaanan po yung ganyan, at di lang po ikaw nakakaramdam ng ganyang sitwasyon. Share your frustrations disappoinments o ano pa man na nakakapagpalungkot sayo. pwede mo i-hide name mo kung naiilang ka and for privacy na din po. Sigurado may makakaintindi sayo. Think of happy thoughts lang po and always pray. God bless you po😊
Postpartum po. Ganyan din ako dati. Feeling alone. Nasa apat na sulok ng bahay palagi. Na mimiss yung family ko. Namimiss yung mga dating daily routine. Walang makausap. Palaging iisa ang ginagawa sa araw araw. Parang nakakasawa. Pero mas madaling malampasan kapag nanjan ang asawa natin. Kaya mo yan sis. Pray ka lang palagi. 😘
I feel you momsh. Lalo na kapag nadidisappoint ako kahit gaano kaliit na bagay nagiging big deal sakin samantalang nung di pa ko buntis wala akong pakielam masyado. Ang hirap ng ganto, ang hirap naman palagi magseek ng attention kasi parang nakakaburden naman yung kay partner or hubby. 😩😂
Kung lungkot lang manood ka ng movies dun lang nawawala ang lungkot ko pag natapos kona ung movie doon ako nakakakuha ng possitibong pananaw maganda ung movie ung medyo related sa buhay mo mas mafeel mo at mababawasan mo ung lungkot
Masm do something for your self, magpamassage ka, punta ka sa spa, anything.para ma boost mo ule ung self condifence mo. And wag kalimutan sumamba iiyak mo lang kay God ang lahat tyan gagaan pakiramdam mo.
same. nuon buntis ako hngng naun na 3 months old na si baby. maliit na bagay nagagalit ako or iiyak ako. nadadamay nga si hubby at si baby or bsta mga tao sa paligid ko thats why I went to therapy.
naexperience ko dn po yan before.. pero iniisip ko maigi ung pinaka dahilan, wala naman kaya pinagsasabihan ko sarili ko at nagpipray tlga.. pakatatag kalang sis! malalampasan mo din yan..
Na feel ko rin yan dati buntis ako tingin ko nakaapekto yata sa anak ko mardamin cia pag umiiyak pag May nakikita siya umiiyak humihibi na cia kaya labanan mo yan manood kana lang movie
Surround yourself with the people you love, mas makakatulong din kung may karamay ka. Normal ata yan sa mga mommies like us. Pray lang din, everything will be alright. 😘
naexperience ko na rin to, hindi kapo nag iisa. basta itry no pa rin labanan ang kalungkutan na nararamdaman mo. isip ka ng mga bagay na magpapasaya sayo. hugs mom
Thankyou po.
ninichips