Sharing my experience with my OB

Share ko lang po ang aking experience with my OB. This is my first time pregnancy. Hindi ko pa po lubos naunawaan na ang OB ko pala ay hindi sila iisa ng lying in kung saan ako nagpapacheck up sa kaniya. Pero siya ang nagbigay saakin ng mga request for the needed tests and tvs. Binigyan niya ako ng mobile number kung saan pwede ako mag inquire, I thought that it was general number para sa lying in. Hindi ko inakala na personal number pala niya iyon. Nag message ako 2x, first ay para itanong kung may OR iniissue ang lying in para sa lab test na need ko gawin, napapareimburse ko kase sa work ko sayang naman, second nag ask ako kung sakali my ibang clinic p siya na pwede irefer saakin since walang OR sa lying in na yon. But he called me and nag sisigaw na "text ka kase ng text nakukulitan na ako sayo eh, wala akong pakelam kung san mo gustong mag pa test basta maibigay mo saakin yan ng kumpleto, at kung gusto mo magtanong saakin gusto ko tumawag ka! Ayaw ko ng text dahil napapagod ang daliri ko kakapindot" Im trying to explain my side while saying sorry, pero binabaan nia na ako ng phone. Bilang first time ko ito at nasa 1st trimester palang ako, sobrang emosyon naramdaman ko iyak ako ng iyak for like 1hr. I think, kahit kasalanan ko ang maging makulit, hindi ko deserve itreat ng ganon. Bilang OB dpt sana alam nia na emotional ang pasyente nia sa ganitong stage. Bukas magkikita kami ulit dahil schedule ko na ipabasa ang tests ko sa kaniya. Hindi ko alam if paano ko siya haharapin.

39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi sis, pwede ka naman na lumipat ng ibang ob tapos sa bagong ob mo na ipabasa iyong mga request para na rin sa ikabubuti ng mental health mo.

Lipat ka ng mag checheck up sayo mi. Buntis ka palang ganyan kana itrato nyan, ano pa kaya pag manganganak kana. Always choose your safety!

Lipat ka na. Bakit dun mo pa ipapabasa, pwede naman na sa new OB na lang po. Bakit mo iis-stress-in sarili mo sa kanya.

Naku ibang OB ka na lang Mi, madami pa dyan di sya kawalan ggrr! Wag ka na bumalik sa kanya for your peace of mind 🤍

wag mo na sa kanya ipabasa. peede naman ibang OB ang bumasa nyan. makakacause lang sa inyo ng stress yan.

kung ako saiyo, lipat ka na. dun ka sa comportable ka. maaga pa naman. habang may time pa bago manganak

thank you sa mga reply niyo mga mumsh. copy lipat nalang ako agd. Dami ko natutunan dito ♥️

if naman ayaw mona sya makita ulit hehe. pwede naman sis sa iba kana magpacheck up eh.

mas maraming approachable na OB po , lumipat ka nalang at kunin mga records mo .

lipat ob, bawal mastress ang buntis. mastrestress kalang jan