LYING-IN o OBGYNE CLINIC?

san po kaya mas okay, Ob or sa lying in magpa check up. First check up ko po next monday eh

24 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

I suggest OB. Ayoko matulad ka po sakin nag simula ako sa lying Inn midwives lng nag rereseta sakin. Akala ko ma a alagaan ako dun ng husto. Chinicheck din BP ko vitals at pati sugar normal nmn "DAW". Until worst thing happened 26weeks I lost my first child 😭😢... Pagka biopsy ko kay baby ang cause of death niya is diabetes. Mataas na pala sugar ko. Nagpa refer na ako nun sa OB for my Raspa at enexplain ng OB ko na if sa midwife normal lng tingin ng range nila sa sugar may ibang reading kami mga OB if nasa border line kana. Sabi ni doc if cguro sa OB na ako dretcho for sure mas na alagaan pa si baby at na monitor sugar ko nun. Tsaka may mga gamot na di kayang e bigay ng midwife kasi di sila dpat gumagawa ng doctors prescription. Sana po di po mangyari sainyo ang nangyari sakin. Masakit sobrang sakit mawalan ng baby po. 😭 I hope maging lesson to Lalo na sa first time moms.

Đọc thêm
2y trước

Yes po 26weeks si baby nun last July this year po. Nawalan sya ng heartbeat bigla yun pala tumaas sugar namin ni baby kasi sabi ng midwife normal lng daw sugar level ko. Sabi ni OB iba ang basehan nila mga OB pag nasa borderline na. Dpat na bigyan ako agad ng gamot nun para na save pa si baby pero wala eh too late na ako nagpa alaga sa OB. 😔

Ako naman po mi ,awa ng diyos nairaos ko nmn 1stborn q ng malusog lying-in po dn po aq .pero ngyun pangalwa ko Lying-in pdn po ako pero hawak po aq ng OB.. OB po nag checheck-up sakin every month bale gngwa lng ng medwife is nsa reception lng nila :) Mukang maselan ang 1st trime q kc kya hawak ako ng Ob.debale mapamahal aq sa monthly checkup atleast nkkasigurado aq :)

Đọc thêm
Influencer của TAP

paheras lang naman yun. usually mas maganda na sa lying in kse free. irerefer ka naman nila sa OBgyne kapag may problema sa check up mo as per advise saken nung preggy ako. nag tanong kse ako anong difference nilang dalawa. sa obgyne may bayad sa lying in wala. pero ikaw kng san mo preferred, go lang ☺️

Đọc thêm

Ako ftm din pero sa OB ako nagpapacheck up then credited siya sa lying in( kahit private hospital siya ) na pwede siya magpa anak kaya ayon siya nagpa anak sa akin tapos si OB ko hindi siya namimilit na hospital ako . Kung saan ko daw gusto . Kaya thanks kami kasi hindi malaki gastos

2y trước

magkano po inabot ng bill nyo po?

if ftm ka, advice po sa OB sa hospital ka muna since di mo pa alam paano ka magbuntis at manganak. then if hindi complicated pwede ka naman lumipat sa lying in (may OB din dun pero mas madami ang midwives) given na dala mo lahat ng check up details mo.

Hanap ka nalang ng OB na may sariling birthing clinic, yung OB ko yung clinic nya may paananakan din meron syang mga midwife din dun pero make sure affiliated din sya sa hospital just in case na hindi ka pwede sa lying in manganak.

taga saan ka po ba mamsh? ako sa the queens ob gyne. sobrang responsive at care ng mga staffs dun. maalaga sila. nabalita din to sa CNN news dahil sa galing nila mag alaga. may pedia nadin dun hehe

Post reply image

OB pa rin talaga mas maganda magpaalaga.. lalo na kung may budget ka.. at sa private Hosp manganganak.. ang Sabi kasi ng iba mahirap daw sa Public Hosp lalo na ngayon pandemic pa rin

if check up palang naman po mag OB po muna. :) ako po from OB (1st to 2nd trimester) then nag lying in (3rd trimester) mas mura po kasi manganak sa lying in.

Thành viên VIP

Hi mi, hanap ka ng lying in na may OB..madami yun, para doctor pa din hahawak sayo. Usually ang mga OB sila na din nagtatayo ng mga lying in nila.