ANG DAMING BAWAL😊😊😊

Share ko lang mga momshie.. 1st time mom ako.. Pero nakapag alaga na ako ng 3 babys mula pag silang hanggang sa lumaki nah.. (YAYA ang dating kong trabaho).. Ngayon may sarili na akong anak kaya di na ako nangangapa pa sa pag aalaga ng baby.. Dito sa probinsiya ako nanganak(PAMPANGA).. Lagi akong nasisita sa araw araw na gingawa ko pag aasikaso sa baby ko.. Kapag pinapadighay ko baby ko dinadapa ko siya sa may balikat tas tinataptap ang likod para nga mag burf.. Tinatanong ako agad ng mga nakakakita sakin kung ilang months na daw baby ko.. Bakit daw binubuhat ko daw siya ng ganon.. Baka daw magkaluslus daw siya.. Sa pag bigkis dapat daw di nakatingala ung bigkis kapag tinali para daw kapag nilagnat ang baby di tumitirik ang mata.. Sinunod ko naman un.. Bawal din pasuotin c baby ng mga de color ganon din para daw dibtumitirik ang mata kapag nilagnat.. Kung pwede nga lang daw hanggang mag 1 year old xa puti lahat.. Di ko sinunod kc sayang naman mga binigay na damit sa baby ko kung diko papasoot puro de color nga lang.. Bawal din xa paliguan ng martes at friday.. Sa araw na pinanganak xa.. Sinunod ko din naman un.. Bawal xa sapinan ng de color at bawal din xa magduyan ng de color kc daw baka kung ano kulay ng sapin niya or duyan ganon magiging kulay niya.. Pinaka hindi pwede ung yellow at orange.. Sinunod ko din naman yon.. Bawal din paliguan at hilamusan ang baby kapag umuulan o kahit makulimlim lang.. Dapat daw balut na balut pa sila non kc daw kumukulam ung taon niya.. Diko alam sa tagalog ang kumukulam😊😊.. Yun lang poh.. Bawal judgemental.. Tao lang.. 😊😊😊

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Dami pala pamahiin jan mommy no, wala naman masama kung susunod pero ang hirap kung lahat nalang. Basta healthy lang si baby at di sakitin, ingat po kayo jan lagi 💖

4y trước

Sobra momshie.. Nakakainis na lang minsan kc may gusto ka gawin sa baby mo sa kanila bawal pala😊

Thành viên VIP

Sa opinion ko momsh your way is better than your mother in law. Hindi updated mga matatanda ngayon saka bawal na bigkis ngayon