No Mommy, you're not. May mga in-laws talagang ganyan. Ganyan din in-laws ko pero deadma lang ako at oo lang ako ng oo. Nakabukod din kami pero gusto nila everyday kaming tumatawag, sa totoo lang ayaw ko silang kausap everyday lalo na si MIL kasi daming hanash. Lalo na nung infant pa lang si baby, sa pagpapaligo lang pinapakielaman ako pero di ako nagpasindak. This is my child, my rules. May time na sinusunod ko sila para end of discussion. Hanggang sila na mismo yung parang nag give up at sinabi pa na "bahala nga kayo, anak nyo naman yan." So, okay. Kaya ngayon, tignan nila apo nila ang smart smart kahit suplado 😂 Tinatanggalan kasi nila tayo maging Nanay sa anak natin. Tsaka once na sinunod mo sila, uulit-ulitin nila yan. Tsaka kasama na yan sa pagging Nanay natin. Depende na lang po satin kung paano natin ibabalance. Tsaka expect nyo na din talaga na may mga negative comments sainyo. Kasama yan sa buhay 😂