Nakabukod pero pinakikialaman pa rin ng in laws?!
Share experience lang po... Ever since nag kaanak ako at nag karoon ng karelasyon mas gusto ko talaga nakabukod.. No in-laws or any other family member nakasama sa bahay kung ndi ung pamilyang binubuo nyo ng partner mo.. Ndi ko ugali makialam o mag comment sa buhay ng iba kasi ayoko din na gawin nila saken ung ganun.. So ganito na nga ang scenario.. Naka bukod kame ng partner ko.. So ndi naman talaga normally weekly nadalaw ang mga in laws ko pero lately every weekend nandito sila.. Syempre happy naman ako kasi nakakasama ng mga bata mga in laws ko.. Pero habang tumatagal ang dame ko na naririnig sa mga in-laws ko about sa parenting namen ng partner ko sa mga anak namen.. Negative comments pa.. Ndi lang yon even sa pamamalakad sa bahay.. Noong una natatanggap ko pa kasi iniisip ko baka nga mali ako o mali si partner ko.. Nasasabi ko na lang sa sarili ko kulang pa pala lahat.. Ex. Sa parenting namen ni partner.. Kinakausap ko ng English ung 2 years old son ko teaching abc's and numbers then dumating isa sa mga in-laws ko sabi nya "Ayy naku ndi ganyan partuturo ng abc's and numbers kailangan may sounds o kaya kantahin mo!" so ako naman ahh ganun po ba.. So no comment na ko.. Ung isa naman sabi panoorin ko ng mga videos.. Eh ayaw naman namen ma exposed masyado mga anak namen sa gadgets.. Bilang adult pde ko naman ipilit ung way ng parenting ko sa mga anak ko kasi alam ko naman tama ginagawa ko.. Kaso every time na lang na dadalaw mga in-laws ko ang dame nilang nasasabi saken na ndi maganda lalo na kpg nasa work partner ko.. Never ako nagsabi sa partner ko kasi alam ko temper nya.. Habang tumatagal tingin ko sa sarili ko napaka incompetent kong ina sa mga anak ko😞