Share lang
Ang hirap pala talaga 'no kapag hindi alam ng family ng partner mo na buntis ka na. :) Kahit naiintindihan ko yung sitwasyon, masakit pa rin hehehe. I know 'di maganda pero naiinggit ako sa iba na nakukuha yung care ng in-laws nila. Sa akin kasi maski recognition, wala. Legal naman kami ng partner ko kaso nag-aaral pa siya. Super strict ng magulang niya kaya kapag nalaman na nabuntis ako, mukhang patitigilin siya sa pag-aaral kaya minabuti namin ilihim. Ayun nga lang, sa lahat, mag-isa ako kahit sa panganganak. Okay lang din, kakayanin. Pasensiya na kung dito ako nag-share. Wala rin naman kasi akong kausap or close friends.