FTM sharing my D-day experience

Sept. 12, 2020 4:33pm 15hrs labor and worth the pain. FTM pero yung experience grabe. 40w3d na si baby nung nilabas ko sya edd ko is Sept 9, first option na paanakan is Lying in pero nirefer nila ako sa hospital kase nga overdue na daw ako at based sa ultrasound ko 3.4kilo na si baby at stuck 2cm padin, sobrang worried ako kase sabi baka ma cs ako so punta kami hospital at pinarepeat utz ako at nakita 3.1kilo si baby at 38weeks lang ako sa AOG pero 2cm padin balik na lang daw pag nakafeel na ng active labor. Days passed and Sept 12, 1am nafefeel ko nasakit na puson at balakang ko pero tolerable pa sya kaya waiting muna ako hanggang 6am ginising ko na si LIP kase mayat mayat na yung sakit pero 8am pa kami nakadating sa hospital pag check sakin 4cm pa lang at pinapabalik ako after 4hrs, 3hrs pa lang bumalik na kami kase sobra na yung sakit ayaw ko ng makipagusap kahit kanino at nag leak na yung waterbag ko pero konti lang, pag check sakin 4cm padin at leaking bow na nga daw ako at ayun nirefer nanaman kami sa iba kase di daw nila kaya baka ma cs daw ako. Sobrang iba na yung naffeel ko tinakbo na kami sa JP Rizal Calamba at pag dating dun ng 2pm waiting pa at pinag xray pa ko. 4cm padin pero nilagyan nila ako ng 6 eveprim. Yung sakit sobrang di ko na kaya pero di nila ako inaassist kase need nila xray result which is 5pm pa daw grabe umiyak na ko sa sobrang sakit kase gusto ko ng umire dahil ramdam ko ng lalabas pero pinipigilan ko kase wala pa ko sa delivery room. 4pm pinasok na ko pero di padin sa DR, sa sobrang pigil ko napairi ako ng konti tas sigaw ng di ko na kaya at saka lang nila ako chineck pati yung diaper ko at nakita nila bunbunan ni baby kaya saka lang nila ako pinasok sa DR, isang irihan lang at lumabas na nga 4:33pm after non yung tahi na sunod ang naramdaman ko parang walang anesthesia kase ramdam na ramdam ko :( another kalbaryo yung nasa ward na kami at dalawa kaming buntis kada bed sobrang worst talaga at nag stay pa kami dun ng 2days. Then ending di din namin nagamit philhealth namin kase sobrang worst ng assistance nila sa patient kaya umuwe na kami at nagbayad na lang kesa mag stay pa ng matagal dun. Lesson learned: Dapat always prepared lalo na financial, although kaya naman mag private pero mas inisip padin kase namin yung magiging saving at ayun nga tinrasfer na kami kung san san na hospital at nasa panic stage kami. Ngayon alam ko na yung feeling ng sakit sa labor at panganganak kaya nagdecide kami ni LIP na mag family planning talaga. #1stimemom

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan