Breastfeeding

Saktong 39w ni bby, at nakaraos na rin, kaso wala pong lumalabas na gatas galing po sa dede ko, ano po ba dapat kong gawin

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Based on Supply and Demand po ang breastmilk production natin. So dapat padedehin si baby, para magkagatas tayo. Hindi yung hihintayin munang magkagatas bago padedehin si baby ☺️ As early as now practicin na po paano magpa-DEEP LATCH https://youtu.be/WVEABNhXr1A?si=Y1f8voRdjOHSp51D Konti lang po talaga ang kailangan na milk ni baby dahil ga-calamansi pa lng ang tummy size nya. Basta nagsu-suck sya kahif feeling nyo wala nakukuha, meron po iyon. Ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's output (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. And remember na kapag umiiyak or iritable si baby, it doesn't always mean din na gutom sya ☺️ I highly recommend po na magjoin kayo sa FB grp na "Breastfeeding Pinays" for proper education and support group on breastfeeding ☺️ (https://www.facebook.com/groups/breastfeedingpinays/)

Đọc thêm