25 Weeks
Sabi nla masyado dawng malaki tyan ko for 6 months. Ano po ba tips para d masyadong lumaki? Update: ok naman daw ang laki ni baby sabi ni OB. Mejo affected lng ako kasi parang araw2 sa opisina sinasabi na malaki tyan ko. Since nabuntis naman ako d na ako kumain ng oily, salty tsaka sweets. 8 hrs lng din tulog ko every night. :(
Malaki din sakin @23weeks and 4days parang any moment puputok sa laki....hahaha...hayaan na natin sila mommy as long as healthy si baby. Iwas talaga tau sa kanin. Ako halos puro gulay, prutas at tubig na lang.. ftm din..😂
Wag mong isipin ang sinasabi ng ibang tao,bsta cnb ng OB mo na okay c baby mo..ayos un! Dhil mas alam ng mga doktor cnsabi nla kesa ibang tao.besides lalaki naman tlga ang tyan mo kc buntis ka,lumalaki ang baby ntn sa loob.
Malaki din sakin sis pero sa ultrasound normal yung laki ng baby nakasunod naman sya sa month nya.. Lumalaki talaga sya pag nakatayo kasi dahil na rin sa fats natin.. Pansinin mo sis pag naka higa ka lumiliit sya 😊
Wag nyo po sila pakinggan as long as normal size ni baby based on ultrasound's result, ok lang. Ganyan din sakin, pero di naman ako pinag-didiet ng OB ko. Siguro saka na tayo magworry pag si OB na mismo nagsabi.
Momshie. Unless may highblood o diabetes ka, magbawas ka sa pagkain. Otherwise, tapos tama lang ang laki ng baby mo continue eating small frequent healthy meals. Wag paapekto sa mga unsolicited advice.
Wala sa laki yan mommy. Ako dn ang laki ng tummy ko nun pero lumabas ung baby ko 2.6 kilos lang. Madami kasi ung water ko :) bsta as long as healthy food intake ka mommy nothing to worry. Goodluck!😘
Ako nga akala ko maliit ang tiyan ko eh. Yun pla depende yun sa nagbubuntis. Meron nga daw malaki tiyan pero may mga conplication pala. Kung sinabi ni ob na normal lang laki, no need to worry.
Iba iba naman ang babae magbuntis ako malaki rin ako magbuntis.. naalala ko pag punta kami sa labas lagi napapansin at lagi sinasabi anlaki ng tiyan ko .. Pero paglabas ni baby 2.6 lang siya
Its either madami ka tubig sa tyan. Sa'kin kasi siksik baby kaya maliit kahit na umiinom ako ng cold water at nahihilig ako sa ice cream. Hayaan mo sila. Iba-iba talaga tayo ng pagbubuntis.
Wag mo na lang sila pansinin mommy kasi iba iba naman ang babae kapag nagbuntis some can hire their baby bump until manganak at yung iba 4months pa lang makikita mo na yung baby bump talaga