Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Can't Wait To See My Angel ❤️
My Little Princess
Gleana Alezee DOB: Dec 19, 2019 EDD: January 9, 2020 2.4 kg via NSD Painless 37 weeks GESTATIONAL HYPERTENSION I had a gestational hypertension during my 3rd trimester of the pregnancy. Ftm din ako kaya talagang binantayan ako ng OB ko especially nung 3rd trimester. Labor strarted 4 AM of December 18 pero irregular contractions palang. Pumasok pa ako sa work then nung nasa office na ako, continuous pa din ang contractions. Decided to go to the hospital and admitted at 11 pm. My BP was 190/100 at that time. I was inside the labor room and the whole time na naglabor ako, nakahiga lang ako dahil bawal mapagod at baka tumaas ang BP. December 19, 7 AM, 3 cm palang. Sabi ni Doc need ko na mailabas si baby ng 2 pm. At 1 pm, 5 cm na ako nagdecide na din si Doc na irupture ung panubigan ko. After nun, tumindi na ung contractions and nag fully open na ung cervix ko. My doctor called the anesthesiologist para sa painless delivery pero si baby feel ko na palabas na. Ire ako ng ire dahil nanjan na si baby pero tumataas pa din BP ko. Sobrang sakit! Buti na lang dumating anesthesiologist ko after few minutes. Tinurukan na ako ng anesthesia then all of a sudden wala na akong nafeel na pain. Pero need ko pa din iire si baby para mailabas sya. It took us 4 pushes at ayun, lumabas na ang aking baby girl ❤️ Sobrang sakit kahit na painless pero super worth it. Ang hirap hirap maglabor ng nakahiga lang. Hahaha. Yung tipong gusto mo na tumambling sa sakit pero di mo magawa hahaha.
Labor?
36 weeks and 6 days Nagstart kaninang 4 AM nakafeel ako ng hilab and sakit ng puson at pempem. Until now ganun pa din. Sasakit ng ilang minutes, tapos mawawala. Then sasakit na naman. Matigas din ung tiyan ko Wala naman akong discharge. Ano na po ba to?
36 Weeks 1 Day
Mataas pa ba sya? Excited na ako makita baby ko. Hehe
Gestational Hypertension
Hi mommies! Sino sa inyo nakaexperience na tumaas BP during 3rd trimester? 35 weeks pregnant here and nagshoot BP ko ? di naman ako hinahighblood before. Penge naman tips mommies. Ayoko ma CS ?
Maternity Leave
Hi working mommies! Ilang weeks kayo nung nagstart kayo mag maternity leave?
BPS
Hi mommies! I'm going to 35 weeks and need ko magpa Biophysical Profile Scoring as advised ni OB. Meron ba kayong recommended clinic na affordable within City of Manila? Thank you. Pacomment na din ng rates nila and kung saan. Salamat ng marami.
34 Weeks Preggy FTM
Eto ung tummy ko. Mababa na ba? Sabi kasi nila bumababa na daw. Huhu. Grabe kasi byahe ko everyday. 15 km, 4 rides everyday.
Baby Bottle
I am planning to buy baby bottle in preparation sa baby girl ko para pag bumalik ako after maternity leave ko, magpa-pump na lang ako. Any suggestion ng bottle brand na maganda and hindi mani-nipple confuse si baby? Gusto ko pa din kasi sana i breastfeed sya. Then ung bottle gagamitin ko para sa pumped breastmilk ko.
Calcium & Multivitamins
Mommies, san nakakabili ng Calcium plus and Natalvit OB? Meron ba nun sa Mercury? Nasa magkano? Thank you.
Delivery
Hi sa mga mommies na nanganak na. Saang hospital kayo nanganak and how much inabot na bill? Palagay na din kung CS or normal. Thanks..