Anong month po kayo bumili ng mga gamit ni baby
Saan poba maganda bumili ng gamit yung mura lng din at maganda#1stimemom #pregnancy
Between 6-7 months. Nag-unti unti na kami mamili ng gamit ni baby. Kahit na may sinabi na gender na during 20wks utz, all white lang muna sinimulang bilhin na baru-baruan. During 32wks utz and same pa rin gender na lumabas, nagsimula na 'ko bumili ng pink na mga gamit for my baby girl. Mas maganda magsimula pa-unti unti para di mabigla sa gastusin. 😊
Đọc thêmFor me 5months onwards, as early as 5months kasi pde na makita gender ni baby pero syempre depende sa position nya and as of now online lang choice natin momsh kasi pandemic😔 hndi tayo pde mamili sa Baclaran or Divisoria para mkamura hehe mdami naman po affordable and good quality sa Lazada or Shopee e, tyaga lang sa paghanap.
Đọc thêmStarted at 3 months then ngayon Alcohol, Baby Oil and other small essentials nalang ang need namin. I’m 7 months pregnant now. Mahirap kumilos kapag late stage ka na namili ng gamit unless online mo gagawin. Kaso d mo makikita in person ang quality ng mga bibilhin mo so better parin to shop sa physical stores.
Đọc thêmNagsimula ako ng 23 weeks (almost 6 months), sinabay ko kasi sa 5.5 sale ng shopee para makamura! Baru-baruan, diaper, wipes, underpads, tinybuds product palang binibili ko. Currently 26 weeks nako. (6 months) Plano ko mamili ulit pag 8 months na.
Nung nalaman gender ni baby mag 5months ako dun then lazada shopee and minsan may mga good deals sila and nga hirap makalabas pero si hubby and mama ko dahil sila nakakalabas minsan pag uuwi sila may mga bitbit na para kay baby🥰❤️
20 weeks after namin malaman gender ni baby. Sa panahon ngayon, better na mamili na lang sa mga online shopping platform like Shopee and Lazada. Mas makakapamili ka and mas makakamura na rin compared sa mga mall.
Started at 6 months. Shopee super daming items plus malls with personal shoppers like Robinsons and SM. Zalora for clothes kasi H&M baby is always on sale, halos may 40-50% off ata every month. Happy shopping! 💗
6 months. bumili lang ko pa konti konti tapos kinumpleto ko yung gamit by 9 months. mostly shoppee and lazada ko namili tapos yung crib, stroller and other essential sa mall na para ma check personally.
sa sm kami bumili pero much better sa online kasi daming bundles pang newborn. maganda rin ang brand na the beginnings. All white lang mga newborn bundles nila.
nung nalaman ko gender ni baby ko. 6mos po ako that time. mostly sa shoppee ako bumili kada may sale hehe baru baruan, diapers, baby shampoos etc..
Kayin Aishi's Nanay to be❤️